^

Pang Movies

Helen ibinala sa serye ni Susan!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi talaga papayag ang GMA na matatalbugan sila ng ABS-CBN pagdating sa mga ipinapalabas na dambuhalang teleserye. Noong ihayag ng Kapamilya ang Muling Buksan ang Puso starring Susan Roces, may inanunsyo rin ang Kapuso na meron din silang bagong gagawin na ang bida ay ang naging movie queen din noong araw, si Helen Gamboa.

Hindi nakatanggi si Helen sa offer ng GMA dahil nagandahan siya sa magiging papel sa naturang teleserye. Para kay Helen, walang mahirap na papel basta gusto ng isang artista. Wala rin daw problema kahit sa talent fee. Wow!

Kaya naman pala humahanga ang GMA big boss na si Atty. Felipe L. Gozon sa beteranang aktres. Matagal daw na hindi sila nagkita pero nang magkita na sa contract-signing event ay ganun pa rin ang beauty ng aktres sa kanyang mga mata, maging sa pag-uugali pa. Flattered tuloy ang lovely wife ni Sen. Tito Sotto.

Ate Gay biktima ng paninira

Malaking kawalan si Ate Gay sa Wowowillie. Nagbibigay aliw kasi siya sa naturang pang-tanghaling programa ng TV5. Ibang klase ang style niya kumpara sa girl singers na nagge-guest sa Wowowillie.

Dapat siyang ibalik para sumaya, hindi ba Tarcila? Teka, totoo bang may naninira sa kanya sa show?

Personal…

Congratulations po sa bagong alkalde ng Baliwag, Bulacan na si Dr. Carol Dellosa, ang kauna-unahang lady mayor ng lugar!

Nangako ang doktora na malaking pagbabago ang gagawin para sa aming bayan sa Baliwag. Mabuhay po kayo! (VIR GONZALES)

vuukle comment

ATE GAY

BALIWAG

BULACAN

DR. CAROL DELLOSA

FELIPE L

HELEN GAMBOA

MULING BUKSAN

SUSAN ROCES

TITO SOTTO

WOWOWILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with