^

Pang Movies

Rich Asuncion nagkautang sa Bb. Pilipinas

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“May utang pa nga ako sa Bb. Pilipinas Charities,” sagot ni Rich Asuncion nang tanungin sa pictorial ng bago niyang show na Binoy Henyo kung nakuha na ba niya ang cash prize niya as the first runner-up ng Bb. Pilipinas 2009. 

“Hindi ko na nakuha iyong fifty thousand pesos na kulang nila sa cash prize ko, na-absorb na nito ang times na hindi ako naka-attend ng events ng Bb. Pilipinas. May fine kasi ang bawat event na hindi namin napupuntahan during our reign. Umabot pa nga ng eighty thousand pesos ang fine ko pero pinatawad na nila iyon.”

May offer pala sa kanya na mag-join ng Miss World Beauty Pageant pero tinanggihan niya dahil bukod sa mahihinto na naman siya sa work at walang kikitain, gusto niyang maka-graduate na ng tourism sa University of the Philippines. 

Biniro namin kung may reconciliation ba sila ng dating karelasyong  si Ervic Vijandre, na katambal niya sa role naman ng school gardener at may love angle sila sa story, wala na raw dahil alam niyang may idini-date na itong iba. Friends na raw lamang sila pero tinawagan niya ang sister ni Ervic nang malaman          niyang nasaktan ito sa gulo noong eleksiyon. Pero natalo si Ervic.

May time rin si Rich na tumanggap ng pelikula at katatapos lamang niyang mag-shooting ng indie film na Laureana, kasama sina Allen Dizon at Bangs Garcia.

Sheena game na uling pag-usapan si Rocco

Bagay at magkamukha ang gaganap na mag-ina sa bagong pambatang show ng GMA 7, ang Binoy Henyo, sina Sheena Halili at David Remo. At 26, hindi tumanggi si Sheena na gumanap na nanay ng six-year-old, grade one student ng La Salle Greenhills. No problem naman kay Sheena na maging ina dahil very close siya sa mommy niya at nakikita niya ang pag-aalaga nito sa kanilang magkakapatid at iyon ang ia-apply niya sa mga eksena nila ni David na napaka-hyper, sobrang makulit at masayahin. 

Medyo takot din siya dahil first time niya iyon kaya sa taping nakikipag-bonding siya kay David para makilala niyang mabuti ang bata. Sa July 22 na mapapanood ang Binoy Henyo bago 24 Oras na papalit sa Home Sweet Home.

Hindi na umiiwas si Sheena na pag-usapan ang tungkol sa dating boyfriend na si Rocco Nacino. Nagkausap na sila nang time na healed na siya sa nangyari sa kanilang relasyon kaya naging casual na ang pag-uusap nila nang sabay silang mag-guest sa Bubble Gang. Hindi pa siya muling nai-in love. Gusto niya ngayon, magkaroon muna ng time for herself at sana ay muling makasama ang best friend na si Marian Rivera.

vuukle comment

ALLEN DIZON

BANGS GARCIA

BINOY HENYO

BUBBLE GANG

DAVID REMO

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

NIYA

SHEENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with