^

Pang Movies

Kiko nagwagi kay Julia

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Si Kiko Estrada pala ang mapalad na nagwagi para maging ka-love team ni Julia Barretto sa teleseryeng pagbibidahan nilang Cofradia ng ABS-CBN.

Marami silang nag-video audition para tingnan kung sino ang bagay sa dalaga ni Marjorie Barretto. Si Kiko lang ang nakitaan ng magandang chemistry kay Julia kaya siya na ang finally magiging leading man.

Mas gumanda lalo ang pangangatawan ni Kiko dahil sa kanyang pagba-basketball at pagdyi-gym. Si Kiko ay anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz. Wala raw itong gap sa kanyang daddy dahil never silang pinabayaan kahit nasa poder siya ng kanyang Mommy Cheska.

Ang kuwento ay maayos daw nagpaalam si Kiko sa kanyang manager na si Arnold Vegafria para lumipat sa Kapamilya Network at maging part ng Star Magic. Kung magki-click ang tambalan nila ni Julia ay tiyak na bobongga na ang career ni Kiko.

Jake walang birthday party, pagagandahin na lang ang puntod ng nanay

Nagbago ang isip ni Jake Vargas na magkaroon ng party para sa kanyang birthday sa July 9, Tuesday.

Imbes na magpa-party ay ilalaan na lang niya ang perang gagastusin para pagandahin ang puntod ng mama niya. Magkakaroon na lang daw sila ng salu-salo sa bahay nila sa Subic, Zambales.

Wala pa rin silang birthday date ni Bea Binene. Pero malamang ay manonood sila ng sine na madalas na nilang bonding.

Kasama nila lagi sa kanilang lakaran ang mommy ni Bea. Alam naman niyang package deal ang mag-ina mula nang niligawan niya ang kanyang ka-love team.

“Okay po ’yun para mabantayan nang maigi ka­ming dalawa,” seryosong pagsang-ayon ni Jake.

Mag-iisang taon na silang dalawa. Minsan na raw siyang nilutuan ni Bea ng pasta na pasado sa panlasa niya. Sinasamahan din niya ang GF kapag nagti-test o kapag tapos na sa modules.

Ang sabi ni Jake, nagustuhan niya ang pagiging simpleng babae, mabait, at maalaga ni Bea sa kanya.

“Kinain ko ang sinabi ko,” sabi ni Jake na natatawa dahil dati ay in denial siya na ayaw niya kay Bea dahil masyado raw bata.

Kaangasan ni Rocco nakaagaw ng pansin

Maganda ang teamup nina Marian Rive­ra at Richard Gutierrez sa My Lady Boss.

Lumabas na kuwela at natural ang acting nila lalo na ’yung pagsasayaw nila. Pati na rin ang batuhan nila ng linya at lampungan.

Umagaw din ng pansin si Rocco Nacino sa pelikula dahil nayabangan at naangasan ang manonood sa kanya.

Natuwa si Rocco dahil hindi niya expected na lalabas na maganda ang kanyang pagkokontrabida. Inilabas lang daw niya ang bad side at pagiging wacky ng role at dinagdagan lang niya ng adlib na pumatok naman.

Samantala, love interest naman siya ni Lovi Poe sa Akin Pa Rin ang Bukas ng GMA 7.

Ibang character naman ang gagawin ni Rocco sa teleserye ng Kapuso Network.

Wala muna raw siyang love life ngayon dahil promise niyang bumili ng lupa’t bahay kaya nagsisipag siya sa trabaho.

AKIN PA RIN

ARNOLD VEGAFRIA

BEA

BEA BINENE

KIKO

NIYA

ROCCO

SI KIKO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with