^

Pang Movies

Kalambutan ng young actor hinusgahan na agad, bading na bading na raw

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kaawa-awa naman ang isang young actor na nahuhusgahan na talagang bading kapag napapanood sa telebisyon at pelikula.

Sa isang sinehan na kasalukuyang palabas ang pelikulang kasama siya ay napapa-react ang girls na nanonood. Sa kalagitnaan kasi ng moment ng young actor ay napuna pa ng isang miss ang kibot nito sa eksena, “Bakla talaga siya, ano?” Tingnan mo ang lips at mga kamay.”

Unfair naman sa young actor na ang galaw niya ang pinanonood at hindi ang kanyang acting. At saka bakla agad ‘pag ganun ang mga senyales? Hindi ba puwedeng “Efem” o effeminate lang?

Mga DJ nakakalbo na

Ang laki ng billboard ng dalawang RX 93. 1 disc jockeys na sina Chico and Gino sa Guadalupe, EDSA kaya alam na ng lahat nang napapadaan doon na may hair loss problem sila. Ang produkto kasi ay ang Svenson Philippines na kilalang hair center na tumutulong sa mga nakakalbo na.

Instant models ang dating nina DJ Chico at DJ Gino at coincidence pa na pareho silang radio hosts sa iisang FM station. Halos wala namang nakakaalam na pareho na pala silang papanipis na ang buhok pero nalantad na lang dahil sa paglabas nila sa Svenson billboard bilang brand ambassadors.

Hindi naman kasi nila ikinahihiya ang common na problema sa buhok ng mga kalalakihan.

Pagboto sa Philpop, pang-Smart lang

Nakikita na kung saan-saan na ipino-promote ang doseng kantang finalists sa Philippine Popular Music Festival (PhilPop) songwri­ting competition na malapit na ang grand finals night.

Isa lang ang kapuna-puna, iba-iba ang presyo ng bawat kanta na gustong iboto ng madla.

Halimbawa, ang Kung ’Di Man ni Ney Dimaculangan, na si Johnoy Danao ang composer, ay P4 lang ang halaga kapag gustong iboto at ipadala sa 5656 (Smart, Talk ‘N Text, at Sun subscribers lang) pero ang Segundo na sinulat ni Paul Armesin sa interpretasyon ni Yael Yuzon ng SpongeCola ay P9 naman ang presyo kapag ibinoto. Ang Space na kinompos ni Raffy Calicdan na kinanta ng Banda ni Kleggy at ni Kean Cipriano ng Callalily ay  P11 naman ang voting fee. P2 lang ang Askal na kanta ni Ganny Brown na ang interpretasyon ay galing kina Jose Manalo at Wally Bayola. Anim na piso naman ang Papel ni Joey Ayala na kanyang inawit mismo at katuwang sina Gloc-9 at Denise Barbacena.

Nagtanong ako sa isang band management kung bakit iba-iba ang presyo ng pagboto sa kanilang mga alaga pero hindi rin nila masagot habang sinusulat ito. Tanging PhilPop lang siguro ang makakasagot mismo.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

ANG SPACE

CHICO AND GINO

DENISE BARBACENA

DI MAN

GANNY BROWN

JOEY AYALA

JOHNOY DANAO

JOSE MANALO

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with