^

Pang Movies

Fans ni Marian hindi nalaswaan sa kanyang paghuhubad

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No violent reactions naman ang DongYans na nakausap namin after napanood nila sa premiere night at nabasa ang mga write-up tungkol sa pagpapakita ng likod ni Marian Rivera sa shower scene niya sa romcom movie nila ni Richard Gutierrez na My Lady Boss. Katuwiran nila done in good taste naman ni Direk Jade Castro ang eksena at meron daw ba namang naliligo na hindi nakahubad, saka para raw lamang isang posing ni Marian iyon sa mga glossy magazine. 

At sa mga kissing scene naman nila ni Richard, kinikilig pa nga raw sila sa mga eksena dahil kitang-kita ang chemistry ng dalawa.

Kaya sa opening day ngayon ng My Lady Boss in cinemas nationwide, may mga block screening din silang na-organize. Mamayang 7:00 p.m., sa Podium ang block screening ng Team DongYan at bukas ay sa Podium din ang block screening ng D.Y.Namics.

Makapanood kaya si Dingdong Dantes ng movie ng girlfriend? Kahapon kasi ay nasa Lingayen, Panga­sinan sila ni Lorna To­lentino dahil tuluy-tuloy ang taping nila ng sci-fi serye nilang Genesis. Pero last Monday evening, nakita sina Dingdong at Marian na nanood ng Monster University in a Makati cinema.

Maxene hindi makapaniwala sa mga pinaggagagawa

Kahit pala si Maxene Magalona, nasa-shock kapag nagkakaroon siya ng chance na mapanood ang afternoon prime drama series nilang Mga Basang Sisiw, after ng Eat Bulaga. Hindi raw niya ma-imagine na ganoon ka-psychotic ang role niya as Vicky at ang sama-sama niya sa pagtrato sa mga batang pa­mang­kin niya sa story. 

Nasanay kasi siya sa mga good role na lagi niyang ginagampanan noon. May eksena pa nga siyang gagawin na para ma-win ang loob ng pinakamamahal niyang si Froilan (Raymond Bagatsing) ay inihulog niya ang sarili sa hagdanan para maniwala itong masasama ang mga anak nito. 

Alden ipapatikim ang sariling cupcakes

Muling babalik mamaya ang tinaguriang Pambansang Dimples, si Alden Richards, sa lifestyle show ng GMA News TV na Mars hosted by Camille Prats and Suzi Entrata (6:00 p.m.).

Mahilig magluto, magbi-bake ng sweet cupcakes si Alden at ang isa pang special guest nila, si Sheena Halili, ay magtuturo namang gumawa ng tote bags out of old tank tops. Then silang apat nina Camille at Suzi ay magpapakita ng Brazilian-inspired dance na Soca.

 

 

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CAMILLE PRATS AND SUZI ENTRATA

DINGDONG DANTES

DIREK JADE CASTRO

EAT BULAGA

LORNA TO

MY LADY BOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with