^

Pang Movies

Panalo ni Marian walang protesta

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Marian Rivera ang co-host namin kahapon sa Startalk dahil absent si Papa Joey de Leon na nag­lalamyerda sa Japan.

Timing na timing ang pag-apir ni Marian sa Startalk dahil nakapag-promote siya ng My Lady Boss at napasalamatan niya ang mga bumoto sa kanya bilang Sexiest Pinay ng FHM.

Walang nagprotesta dahil si Marian ang nanalo. Karapat-dapat siya sa title na Sexiest Woman ng FHM Philippines.

Kung si Sam Pinto uli ang nag-win, tiyak na marami ang magrereklamo. Si Sam ang nanalo no­ong 2011 at 2012 pero walang reaksiyon ang mga mhin nang rumampa siya sa FHM party na ginanap noon sa World Trade Center sa Pasay City.

Lovi nahihiya sa bansag na primera aktresa

Taped ang interview ng Startalk kay Lovi Poe, ang Primera Aktresa ng GMA 7 dahil may taping siya kahapon para sa isang drama series.

Natutuwa pero nahihiya si Lovi sa title na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Malaking karangalan daw para sa kanya ang title na Primera Aktresa.

Si Lovi ang bida sa Akin Pa Rin ang Bukas, ang coming soon teleserye ng GMA 7. Co-stars niya sa bagong drama series sina Rocco Nacino, Cesar Montano, at Solenn Heussaff.

Halikan nina Madonna at Britney Spears mas eskandalosa kesa sa halikan nina Isabelle at Georgina

Bakit ba ginagawang big deal ang kissing photo nina Isabelle Daza at Georgina Wilson? Sa totoo lang, wala akong nakitang malisya nang ma-sight ko ang kanilang litrato dahil mag-pinsan naman sila.

Artistic naman ang shot ng kissing photo at hindi ito torrid. Mas eskandaloso pa nga ang paghahalikan nina Madonna at Britney Spears ng live sa 2003 MTV Music Video Awards.                            

Dingdong dumayo sa Baguio

Nagsimula na ang taping ng Genesis, ang primetime teleserye ni Dingdong Dantes sa GMA 7.  Dumayo siya at ang co-stars niya sa Baguio City dahil dito kinunan ang kanilang mga eksena.

Sci-fi thriller ang Genesis. Ga­ga­mitan ng prostethics si Ding­dong para sa kanyang karakter na gagampanan. Si Rhian Ramos ang kanyang leading lady.                                

Photo scandal ni Jake, nakakatawa

Natawa ako sa  kumakalat pa ring photo scandal ni Jake Vargas. Shirtless lang, photo scan­dal na kaagad? Ang dami-daming aktor na may mga topless picture ’no?!

Ang manager ni Jake na si Ger­man Moreno ang nagtanggol sa kanyang alaga. Hindi raw photo scandal ang tawag doon. Ibinu­king pa ni Kuya Germs na si Bea Binene ang girlfriend ni Jake, hindi ang mystery girl na kasama ng kanyang alaga sa photo scandal kuno!

Joseph Bitangcol malapit nang maging ama

Si Joseph Bitangcol ang aktor na natagpuan na walang malay sa loob ng kanyang sasakyan. Ang balita na nakarating sa Startalk, depressed si Joseph dahil sa ma­tamlay na takbo ng kanyang acting career kaya ang pag-inom ng alak ang napapagbalingan niya.

Diumano, nakadagdag din sa depression ni Joseph ang kanyang nalalapit nang pagiging ama. Wish ko lang, matauhan si Joseph dahil hindi malulutas ng paglalasing ang kanyang mga problema. 

Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa dahil marami ang puwedeng tumulong sa kanya. Hindi ito ang first time na nakaranas ng depression si Joseph. Nang maaksidente siya noon, marami ang nagbigay sa kanya ng tulong.

vuukle comment

BRITNEY SPEARS

DAHIL

KANYANG

PRIMERA AKTRESA

SHY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with