^

Pang Movies

KC, bagong Bella Flores

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Parang tailormade for KC Concepcion ang kanyang kontrabida role sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Markadong panoorin ang pag-aalipusta niya sa karakter ni Judy Ann Santos na minsan ding naging reyna ng mga bakya.

Sa totoo lang, sa lahat nang nagawa na ni KC, dito siya napansin. Bagong Bella Flores daw sa panahon na hi-tech na ang teleserye.

Wala namang kupas si Juday sa pagganap bilang inaaping asawa ni Sam Milby. Mukhang inspirado rin sa kanyang pagbabalik si Connie Reyes. Tuluy-tuloy na kaya muli ang comeback niya?

MMFF kulang dahil walang Mother Lily

Mabuti na lang at kahit paano ay may entry pa si Mother Lily Monteverde para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF). Wala nga lang siyang solong pelikula. Sumosyo lang siya sa Star Cinema sa pelikulang Pagpag.

Sa totoo lang incomplete pa rin ang MMFF dahil walang sariling entry ang totoong may malasakit sa showbiz at hindi umaasa lang sa kikitain ng pelikula. Si Mother Lily na ang nag-start ng MMFF kesehoda kung sinumang pulitiko ang humawak dito.

May suggestion nga pala, sana raw ay mga taong may kinalaman sa showbiz ang mag-judge pagdating ng awards night at hindi kung sino lang.

Sabrina na-turn off na kay Justin Bieber

Sa Tropang Potchi ay halatang malaki na ang ipinagbago ng beauty ni Sabrina Mann. Bata pa si Sab pero mukhang dalaga na.

Dedicated naman siya sa pag-aaral kaya’t bibihirang makita sa mga sosyalan. May banta kasi ang papa niya, patitigilin siya sa pag-aartista kapag hindi niya inasikaso ang pag-aaral sa St. Augustine College sa Cabuyao, Laguna.

Hindi na raw niya crush si Justine Bieber kasi kung anu-ano na ang pinaggagagawa at nakaka-turn off na.

May gagawin siyang teleserye sa GMA uli. Aba­ngan natin.                          

 

vuukle comment

BAGONG BELLA FLORES

CONNIE REYES

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUDY ANN SANTOS

JUSTIN BIEBER

JUSTINE BIEBER

LANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with