^

Pang Movies

Walang planong guluhin ang buhay ng aktres: Enchong ayaw na uling patulan si Julia!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagsimula nang mag-taping sina Enchong Dee at Julia Montes sa bago nilang seryeng Muling Buksan ang Puso at kahapon ay binisita namin sila sa set sa Baras Church, Baras, Rizal kung saan ay magkatabi namin silang nakapanayam.

Matatandaang nagkaroon ng issue ang dalawa na nagsimula last year kaya nga sa presscon ng The Strangers last December ay kitang-kita ng entertainment press ang coldness sa pagitan nila at halos hindi talaga sila nag-usap.

Pero kahapon sa set ay ibang Enchong and Julia na ang nasaksihan namin dahil okay na sila at nakakatingin na sa isa’t isa unlike before na kahit tinginan ay hindi nila magawa.

Ayon kay Enchong, bago sila magtrabaho for this soap ay hiniling niya talaga sa management ng ABS-CBN na bigyan muna sila ng workshop or bonding moments together para mawala ang anumang ilangan o distansiya sa pagitan nila.

“And shockingly, ’yun din pala ang hiningi niya (Julia),” kuwento ni Enchong. “And kumbaga, doon pa lang sa move na ’yun, sa first gesture namin to regain whatever, swak na kami. Kumbaga, pareho naming wish na maging okay bago magsimula ang proyekto na ‘to. Kaya nung nandun na kami sa workshop, nilabas na naming lahat.”

Dalawang beses silang nag-workshop kay Direk Laurice Guillen at ayaw na ring idetalye ng dalawa kung ano ang napag-usapan nila.

“We talked about it and we agreed na wala kaming idedetalye but after the workshop we can say na naging maayos lahat, naging honest kami sa isa’t isa, and ’yung tiwala namin sa isa’t isa, sabi namin, unti-unti naming ibabalik,” saad ni Enchong.

 For Julia naman, pinaka-importante talaga ay nawala ’yung wall na nakapagitan sa kanila.

“And ’yun nga, wala nang ilangan. Kung gaano katatag ’yung friendship namin noon, ngayon, unti-unting nababalik ’yun,” sabi ni Julia.

Sabi naman ni Enchong, “Baka sabihin nila, timing lang na may gagawin kaming serye. ’Yun nga eh, timing talaga and naging­ daan ang Muling Buksan ang Puso para magkaayos kami.”

So, muli bang mabubuksan ang puso nila ?

Natawa si Julia at say niya, “Wala namang nagsarang puso. Hindi, kasi wala namang naputol. Nagkailangan lang. ’Yun lang ang nangyari. Kumbaga, communication lang ang naputol.”

Dahil ba kay Coco Martin na na-link sa kanya habang ginagawa nila ang Walang Hanggan?

“Wala namang involved na ibang tao,” sabi ni Julia na sinegundahan naman ni Enchong.

Ang young actor naman ang tinanong kung muli pa bang mabubuksan ang kanyang puso.

“Siguro, let’s put it this way, ’yung wini-wish namin na magkasama everyday in one soap nandito kami sa posisyon na ‘to. And whatever happens, it will just happen. Pero sa ngayon, nandun kami sa estado na pinapatibay muna namin ang pagkakaibigan namin dahil doon naman nagsisimula ang lahat,” he said.

Wala pa raw talaga silang masasabing iba pa maliban sa kung ano ang present dahil ayon kay Enchong, ngayon pa nga lang nagsi-sink in sa kanya ang bagong serye since katatapos lang niya ng Ina, Kapatid, Anak.

Basta aniya ay nakikita niya na mas happy si Julia ngayon.

“She’s happier now because of all the works. I mean, ’pag nakikita ko siya, mas maaliwalas ang mukha niya, ’yung aura niya as a person is lighter, happier. So, huwag na nating guluhin kung anuman ang nagpapa-good vibes sa kanya,” dagdag pa ng aktor.

Ibig bang sabihin nito ay hindi na niya ipu-pursue talaga si Julia?

“Oo. Huwag na muna natin siyang anuhin. Give her time,” sagot ni Enchong habang si Julia naman ay nakangiti lang.

vuukle comment

BARAS CHURCH

COCO MARTIN

ENCHONG

JULIA

LANG

MULING BUKSAN

NAMIN

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with