^

Pang Movies

Dennis pinaghihinalaan na

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Dennis Trillo, bida sa My Husband’s Lover, na may ilang naghihinala na sa kanyang sekswalidad dahil sa love scenes nila ni Tom Rod­riguez. Makatotohanan kasi ang kanyang paglalarawan sa karakter ng isang bading.

“Halata naman ’pag may pitik sa katauhan ng isang lalaki. Comfortable ako sa aking sekswalidad. Hindi naman kami naiilang ni Tom kahit may kissing scenes. Mabuti na lang at wala akong pinopormahang babae ngayon,” naka-smile na sabi ni Dennis.

Saludo nga ang mga kasamahang artista ng aktor sa kanyang pagiging propesyonal bukod pa sa husay sa pag-arte.

Angel papayag patigiling magtrabaho kapag nag-asawa na

Ang sipag-sipag ni Angel Locsin sa promosyon ng Four Sisters and a Wedding. Katunayan, hindi lang sa telebisyon at mall tour makikita ang mga bida kundi gayun din sa radio interview.

Ayon sa magandang aktres, sanay na siyang mag­trabaho at ayaw ng walang ginagawa. Gusto niyang kasama ang mga taong may positive attitude.

Ayaw pa ni Angel magpakasal kahit 28 years old na siya.

“Noon sinabi ko sa aking sarili na mag-aasawa ako pagdating ng twenty two years old pero ngayon ay twenty eight na ako.

“Pero ’pag nag-settle down na ako siyempre priority ko na ang aking pamilya. Makikinig ako sa aking asawa kung ano ang gusto niyang gawin ko kahit tumigil na sa pag-aartista” say ni Angel.

Jake ’di kakalas kay Kuya Germs

Kahit may balita na aalis na si Jake Vargas sa poder daw ni German “Kuya Germs” Moreno at may ipapalit nang bagong manager ay hindi apektado ang Master Showman. Katuwiran nito, wala namang mawawala sa kanya dahil gusto lang niyang makatulong at hindi naman siya kumukuha ng komisyon sa young actor.

Pinabulaanan naman ni Jake na aalis siya sa poder ng manager.

Sa kabilang banda, marami nang napasikat si Kuya Germs bilang star builder at okay lang kung kalasan man siya ng alaga.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AYAW

AYON

FOUR SISTERS

HALATA

JAKE VARGAS

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

TOM ROD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with