lndie actress hooked sa flamenco
Talaga palang nag-aaral ng sayaw na flamenco si Althea Vega. ’Yung ginamit kasing litrato nang lumabas siya rito sa PM ay naka-costume siya na pang-flamenco, orihinal na Spanish dance, at hindi ‘yun pang-pictorial lang. Nakakatuwa kasing naibalita noon ni Althea na ang kapitbahay ng kanyang dance instructor ang nakabasa ng istorya kasi napansin ang picture niya. Pagkatapos ay ibinigay naman ang kopya ng diyaryo sa aktres ng kanyang Kastilang maestro nang magkita na sila sa studio. Masaya rin daw ang flamenco teacher ni Althea sa nakitang larawan.
Naalala ko tuloy mag-follow up ng tanong sa indie film actress kung bakit nagpa-flamenco siya. Para ba iyon sa isang pelikula? O pang-exercise lang para lalong maging sexy ang katawan?
“Nag-aaral ako ng flamenco kasi I fell in love with the dance and the rhythm of the music. I discovered that it’s also a great way to express my feelings. Kapag sumasayaw ako I feel so good. :) I’m still honing my skills in flamenco dancing. Hindi iyon for film,†sabi ni Althea sa text message.
“Puwede rin ako mag-perform sa class or high-end restaurants with my teacher/dance partner Juan Antonio delos Reyes from Madrid, Spain. Continuous ‘yung study ko sa Fundacion Centro Flamenco owned by great flamenco dancer Miss Emma Estrada. Yes, magandang exercise rin. ‘Yun daw ‘yung pinakamahirap na sayaw kasi.â€
Video rental shop kakaunti na ang natitira
Isa ba kayo sa mga adik sa pelikula na kapag napalagpas ang isang magandang palabas ay nag-aabang sa Video City para maka-renta kung hindi man makabili ng original copy? Nag-iisa na lang yatang video rental shop ang Video City, isa sa mga negosyo ng Viva Group of Companies, na bukas pa sa ilang lugar sa buong bansa.
Ayon sa isang kakilala na ayaw magpalagay ng pangalan dito, ang ilan daw outlet sa kanilang probinsiya sa Bacolod ay nagsara na at iisa na lang ang naiwan pero may kalayuan pa sa kanilang bahay. Ito ay dahil talamak na rin ang namimirata ng pelikula sa kanila.
Kokonti na lang daw ang nanonood sa mga sinehan nila at lalong halos wala nang bumibili ng orihinal na kopya ng film video sa mga mall. Umaasa na lang sila sa movie channels sa cable. Paano kaya ‘yung hindi subscriber ng cable?
At ngayon nga ay lumiit pa ang tsansa na maka-renta sila ng pelikula dahil nabawasan na ang branches ng Video City. Malungkot na balita ito para sa isang masugid na movie fan.
May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]
- Latest