Sexy actor matindi ang sakit, sinisisi ang pagkalulong sa alak noon
Hindi na maibalik ng sexy actor ang dati niyang magandang katawan dahil, ayon sa aming source, ay may iniinda na raw itong sakit ngayon. Kaya hindi siya makapagtodo sa workout at mag-diet dahil pinagbawalan ng kanyang doctor.
Nagsimula siyang magkaroon ng sakit nang ma-depress dahil naghiwalay sila ng kanyang showbiz girlfriend. Basta inayawan na lang siya nito. Bumaling sa pag-inom ang sexy actor at napabayaan na niya ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang sobrang pag-inom ay nagkaroon tuloy siya ng problema sa kanyang kalusugan.
Maraming gamot na kailangan kaya hindi napigilang tumaba siya dahil sinabihan siya ng kanyang doctor na kumain parati at tigilan ang pagda-diet. Tumaba rin ang sexy actor dahil sinasaksakan din siya ng steroids para bumilis ang paggaling niya.
Gusto na ngang ibalik ng sexy actor ang kanyang dating katawan na hitik sa muscle at mga nagtitigasang abdominal muscles. Pero bawal pa rin sa kanya ang anumang rigorous workout dahil ginagamot pa ang ilang inner organs na naapektuhan ng pag-inom niya ng alak.
Kung may pagsisisi man ang sexy actor, ito ay ang nagpakalunod siya sa alak dahil matagal pa bago niya maibalik ang dating katawan niyang kinabaliwan ng mga babae’t bading.
Mark Bautista metikuloso
Nakikita na ang pagiging metikuloso ni Team Leader Mark Bautista dahil sa hangad niyang manalo ang kanilang grupo na Tropang Trending sa Sunday All Stars ngayong Linggo.
Ayon sa singer, tatlong beses niyang pinalitan ang konsepto ng kanilang production number na I Do dahil hindi siya satisfied sa mga nabuo na nila.
The Soprano actor namatay sa atake sa puso pagkatapos magpakasawa sa pagkain at alak sa Italy
Nagluksa ang Hollywood dahil sa biglang pagpanaw ng aktor na si James Gandolfini. Nakilala ang aktor sa hit HBO drama na The Sopranos. Siya ang gumanap na family man at mob leader na si Tony Soprano. Tumakbo ang naturang series from 1999 to 2007.
The 51-year-old actor won three Emmy Awards for best actor in a drama series. Napasama pa nga siya sa Greatest TV Icon of All Time ng Entertainment Weekly.
Nakilala rin siya sa mga pelikulang The Mexican, Surviving Christmas, Where The Wild Things Are, Cinema Verite, Killing Them Softly, The Mighty, 8mm, A Civil Action, at Zero Dark Thirty.
Massive heart attack ang ikinamatay ni Gandolfini habang nagbabakasyon ito sa Italy kasama ang kanyang asawa at teenager na anak. Nakitang nakahandusay sa sahig ng bathroom ng kanilang hotel suite ang aktor. Agad na tumuwag ng tulong ang kanyang anak pero noong dalhin ito sa ospital, namaalam na ito pagkatapos ng isang oras.
Marami ang may alam na dumaan sa drug at alcohol addiction si Gandolfini. Pero unti-unti na siyang naka-recover dito sa mga nagdaang taon.
Sa mga huling nakakitang buhay si Gandolfini, nakita pa nila itong kumakain at umiinom ng sobra-sobra the night before he died. Sa isang restaurant ay kumain ito ng maraming fried prawns covered in mayo and chili sauce at foie gras. Hindi rin niya pinalagpas ang pag-inom ng alcohol. Umorder ito ng four shots of rum, two piña coladas, at dalawang bote ng beer.
Hindi pa inilalabas ang autopsy sa katawan ni Gandolfini. Marami ang gustong makiusyoso kung may kinalaman ang kanyang excessive eating and drinking bago ang kanyang biglaang heart attack.
- Latest