^

Pang Movies

Never bumunot sa bulsa ang basketbolista Kris itinangging ipinagkakait si Bimby kay James, bumuwelta rinG siya lahat ang gumagastos sa anak Sa madalas na pagpap

- Vinia Vivar - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa puwedeng madalaw ni James Yap ang kanyang anak kay Kris Aquino na si Baby James. Ayon sa Queen of All Media nang makapanayam ng entertainment press para sa second anniversary ng Kris TV, kailangang idaan ang lahat sa tamang proseso.

“I told them, sabi ko, alam n’yo, visitation is sa bahay namin, eh. Eh hindi ka nga puwedeng umapak sa bahay namin, eh. So idaan n’yo sa kor­te nang maayos kung saan ang visitation. So I got the papers today, ipinakita ko kay Bimb, in-explain ko sa kanya at sabi ko, we’ll go through this the proper way. Kung maayos kung saan ang venue ng visitation, by all means,” she said.

Hindi puwedeng tumuntong si James sa bahay ni Kris dahil may PPO (permanent protection order) ang actress/TV host against her ex-husband.

Pero ang lagi ngang sinasabi ng kampo ni James ay si Bimby lang naman ang habol niya pero sa kuwento ni Kris na insidenteng nangyari noong Father’s Day (Sunday, June 16), sinubukan niyang tawagan ang mga abogado ng basketbolista para sa posibleng pagkikita sana ng mag-ama.

“I texted 8 in the morning the lawyers (of James) and I said, how it is best to contact (James). I didn’t get a reply until 4:45 p.m. at sinabi sa akin na sorry, hindi raw nila makontak si Mr. Yap. At subukan ko na lang daw na tumawag.

“So, honestly, huwag naman akong gawing kontrabida. I did my share. At 8 in the morning. At kung talagang atat ka sa anak mo, di ba? Eh 4:45 ako ni-reply-an. And nandu’n ‘yun sa cell ko. And sinabi na hindi raw nila makontak ang tatay. Pero try ko na lang daw (na kontakin).

“Let the facts speak for itself. Na huwag n’yong sabihin sa akin na ipinagkakait ko kasi wala akong ever ipinagkait doon sa dalawa.”

Sa puntong ito ay hindi naiwasan ni Kris na pagkumparahin ang ama ng kanyang dalawang anak na sina James at Phillip Salvador. As we all know, si Kuya Ipe ang ama ng panganay ni Kris na si Joshua.

“Ngayon ko na-appreciate ang pagkatao ni Phillip Salvador na never ginulo si Josh. Nakita niya na maganda ang pagpapalaki ng pamilya ko, nakita kung ano ang devotion na ibinibigay ng mga kapatid ko kay Josh. Hindi kami ginulo. Walang hiningi. Hinayaan kami at nakita kung ano ang resulta.

“It’s not easy to raise a special child and he realized that but he allowed us because he saw kung gaano namin kamahal si Josh.

“So ‘yun, parang doon mo mako-compare and ‘yung ano talaga siguro is that the only thing left is that. . .everything kasi idinadaan sa press release. Hindi kailangang ganu’n.”

When asked kung bakit sa tingin niya ay laging gustong isapubliko ng kampo ni James ang issue, ani Kris, “kasi sikat ako at gusto nilang sumikat. No, I’m sorry, totoo.”

Aniya, nang manalo raw siya sa PPO ay hindi naman niya ito pinag-ingay.

“Sino ba ang pa-presscon nang pa-presscon? And tutal, gusto naman nila, didiretsuhin ko rin na let’s go through this the proper way. Walang nanay ang napakawalanghiya na ide-deprive niya ang anak niya of a father lalo na kung buhay ang tatay na ‘yun.

“Kasi, I know what it’s like to grow up with no Dad pero be responsible naman. Hindi naman ‘yung parang dinemand mo lang and kung kelan lang convenient sa ‘yo, okay.”

Kris also revealed na hindi nga raw nagbibigay man lang si James ng pang-tuition ni Bimby.

“Eto, diretso na, since nag-start ba ng school si Bimb, bumunot pa ever sa bulsa ‘yung tatay? Nag-offer ba ever? Kasi, parang ang dali-daling sabihing mahal na mahal mo anak mo, na gusto mong magkaroon ng relationship sa kanya, pero ang lahat ng tatay sa Pilipinas maga-agree sa akin na what is it mean to be a father? It means that you’re responsible, na good provider ka to the best of your ability.

“Hindi naman ako nanghihingi ng millions. Never nga akong humingi, eh. Pero I’m sure, paglaki ng anak ko, gusto rin naman niyang malaman na ay, nagkusa ang tatay niya, hindi ‘yung puro kumuha na lang nang kumuha sa amin. Sana, magbigay din naman sa bata,” pahayag pa ni Kris.

Lastly, ani Kris, sana raw imbes na magsalita nang magsalita at pa-presscon nang pa-presscon si James, “be a father first.”

On the lighter side of things, pumapasok na sa pangatlong taon ang Kris TV at bilang selebrasyon sa 2nd anniversary ng show ay ipakikita nang buong-buo ang trip ng mag-iina (Kris, Joshua and Bimby) sa Singapore recently.

 

 

vuukle comment

BABY JAMES

BIMB

JAMES

KRIS

KUNG

NAMAN

NANG

PHILLIP SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with