^

Pang Movies

Angel perfectionist

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Pinabulaanan ni Angel Locsin na pinipigilan siya ni Daddy Angelo o Mang Angel na pakasalan siya ng nobyo na si Phil Younghusband.

Kabaligtaran ito dahil boto ang kanyang daddy kay Phil dahil mabait ito, magalang, at ramdam na mahal na mahal siya nito.

Sa kabilang banda, simpleng isinelebreyt ni Angel at ng pamilya ang Father’s Day noong Linggo. Ayon sa aktres, kahit anong busy sa mga showbiz commitments ay gumagawa siya ng paraan para makapag-usap sila ng kanyang ama. Lagi niya itong kinukumusta at inaalam ang kalagayan.

Nabang­git din niya na nag-enjoy siya talaga sa pakikipag-bonding sa mga kasamahang artista na sina Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Bea Alonzo sa shooting ng Four Sisters and a Wedding.

Sinabi ni Angel na perfectionist siya pagdating sa acting. Handa siya lagi, memorized na ang script at laging on time kapag nagre-report sa shooting ng pelikula.

Dingdong at Bea susubukan

Hindi aalis ng GMA 7 si Dingdong Dantes dahil may gagawin itong papalapit na teleserye, ang Genesis, sa GMA Network, Inc. Hanggang December pa ang kontrata ni Dong sa bagong teleserye.

Excited na ang aktor dahil naiiba ang teleseryeng gagawin na hindi pa alam kung sino ang magiging leading lady niya.

Balitang makakapareha naman niya si Bea Alonzo sa susunod na film project.

Max ayaw magbago ng image

Kahit maraming kumukumbinsi kay Max Collins na magpa-sexy na at maging cover ng men’s magazine ay hindi pa rin siya mapapayag. Kahit ang manager na si Perry Lansigan ay ’di rin pabor sa pagpapa-sexy ni Max dahil bata pa ang aktres at gusto niyang ma-maintain ang wholesome image ng alaga.

Para kay Max naman ayaw niyang magpa-sexy dahil baka raw mag-iba na ang role na ginagampanan na sa ngayon ay puro wholesome pa. Ayaw niyang magbago ng image.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEA ALONZO

DADDY ANGELO

DINGDONG DANTES

FOUR SISTERS

HANGGANG DECEMBER

KAHIT

MANG ANGEL

MAX COLLINS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with