Lihim ni Superman buking na!
Pasado na si Henry Cavill bilang bagong Superman sa Man of Steel at asahan na natin ang mga susunod pang serye ng pinaka-popular na superhero sa buong mundo. Ang tanong na lang ay kung mas mapapag-igihan pa ba ang kasunod na pelikula o bababa kesa sa napanood ngayon?
Sa kabuuan kasi ay maganda naman ang pelikula at hindi ako mag-aatubiling ulitin ito sa 3D cinema kung may pagkakataon kahit napakatagal nang habulan ni Superman at ni kontrabidang General Zod (Michael Shannon). At marami pa ‘yung eksena nila na nagkakaskasan at nagbabalibagan sa mga kalye at gusali.
Tulad ng fairytale, kahit gawin pang medyo dark o sad ang bida, dapat may ending na masaya o kabutihan pa rin ng lahat ang mamamayani. Everybody happy kumbaga.
Pero kung kokontrahin ang takbo ng kuwento, heto ang ilan sa mga kuwestyonable:
Paano kung hindi mabuting magulang ang mag-asawang nakapulot kay Baby Superman o Kal-El na sina Jonathan (Kevin Costner) at Martha Kent (Diane Lane)? Kunwari mukhang pera, may masamang bisyo, o masama talaga ang asal? Nakasalalay kasi ang paghubog nila kay Kal-El na pinangalanan nilang Clark Kent. Para silang lumikha ng super monster kung hindi mabuting tao ang nakapag-ampon sa sanggol at nagpalaki hanggang mag-binata ito.
Paano kung hindi nakilala ni Clark si Lois Lane (Amy Adams)? Wala na siyang inspirasyon at dahilan para ipagtanggol pa ang ibang tao? Sa totoo lang puwede namang hindi pa inilabas agad si Lois sa Man of Steel prequel at sa susunod na lang para na-establish muna ng solo ang pagkabata hanggang paglaki ni Clark.
Kailangan ba talagang mamatay ang tunay na ama ni Kal-El o Clark, ang alien scientist na si Jor-El (Russell Crowe), sa isang tusok lang ng weapon ni General Zod? Lumaban-laban pa naman siya at talo nga niya sa mano-mano ang rebeldeng kalaban.
Kailangan ba talagang mamatay ni Jonathan, tatay-tatayan ni Clark, na nakikita ng mag-ina pero ayaw magpasagip?
Si Clark naman ay mula noon pa palang bata hanggang maging mama ay nagpamalas na ng pagsagip sa mga ordinaryong tao.
Parang mas maganda ’yung idea na anonymous lang siya, tulad sa mga naunang Superman films, hanggang magtrabaho na sa diyaryong Daily Planet. Eh sa Man of Steel marami nang sightings sa kanya, so, buking na siya sa bayan nila sa Kansas.
Ibig sabihin ngayon, asahan na sa lahat nang darating na adventures ni Superman sa sequel ay alam na ni Lois, o ipapaalam na sa kanya, dahil “MU†na sila. Ay, ayaw.
* * *
May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]
- Latest