^

Pang Movies

SAS talbog pa sa That’s

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Napanood namin ang bagong noontime Sunday noontime show ng Channel 7, ang Sunday All Stars o SAS. Walang bago. Akala ko replay ng That’s Entertainment Saturday edition ang pinapanood ko eh. Hinati ang mga starlet nila sa apat na grupo at pinagawa ng production numbers. ’Tapos iyong mga dating host, iyon naman ang jurors ngayon na wala nang ginawa kundi magbuhat ng sariling bangko at purihin ang kanilang show.

Iyong production numbers na ginawa naman nila, aba, eh kung ikukumpara mo iyon sa That’s Entertainment dati, sapal ’yun. Noong araw, ang Wednesday group na tinuruan ni Eugene ng VIP Dancers ay talagang matindi ang dating. Iyon namang Thursday group, akala mo laging lalaban sa isang international competition dahil ang nagtuturo sa kanila ay mismong ang mga top choreographer ng Bayanihan Dance Company.

Ganun lang pala ang bago nilang show ngayon na SAS. Bumalik kami agad sa ASAP 18.

Pelikula ni Dingdong hindi sinuportahan ng fans sa sinehan

Kawawa naman ang pelikula ni Dingdong Dantes. Sa labindalawang sinehan sa isang mall, labing isa ay naglalabas ng Man of Steel. May isang pelikula sa isang sinehan lang na may kahati pang isang pelikulang Ingles. Ibig sabihin, dalawang screening lang isang araw kung ilabas ang pelikula niya.

Nasaan na ang fans ni Dingdong? Malakas lang ba siya sa TV dahil libre ang manood noon?

Lovi hindi natanong sa kanyang love affair

Kumanta at sumayaw lang si Lovi Poe noong i-launch ng Bench ang kanilang bagong pabango, ang Love Affair. Walang question and answer kasi baka nga naman matanong pa siya tungkol sa mga love affair niya. Ngayon ang tsismis naman ay nagde-date na sila ni Gov. Miguel Villafuerte.

Mahilig din kasi siya sa politician. Hindi ba matagal din naman siyang naging girlfriend ni dating Congressman Ronald Singson at sinasabi pa ngang natutong gumamit ng drugs ang lalaki dahil sa sama ng loob nang magkagalit sila?

Marami ang nagsasabi na mukhang malayo raw si Lovi sa kanyang kapatid na si Grace Poe-Llamanzares. Si Grace nga naman ngayon ay senadora na. Siya ay hindi pa rin talaga masasabing sikat na artista.

Ganoon talaga ang buhay eh at saka sinasabi nga ng iba hindi rin naman sila tunay na magkapatid, mas masuwerte nga lang talaga si Grace. Isipin ninyo na bukod sa nakilala siyang anak ni Fernando Poe, Jr., ngayon ay naging senadora pa siya dahil dun.

Anyway, inamoy namin ang Love Affair. Okay ang amoy niya. Mukhang hahabulin talaga ang isang babae na ganun ang bango. Mukhang magsisimula talaga ng isang love affair.

Natutuwa kami kung ganyang may mga local na paba­ngo na mahusay naman talaga. Una, naipapakita na ang mga Pinoy ay makakahanay na talaga sa international standards. Ikalawa, hindi na kailangan ng mga Pinoy na bumili ng napakamamahal na pabangong imported kung hindi man ay smuggled. Ikatlo, hindi ka maloloko ng mga nagbebenta ng mga pabangong fake. Marami niyan sa mga tiangge at saka doon sa mga maliliit na shop. Akala mo totoo, iyon pala napalitan na ang laman.

Kesa sa bumili kayo ng fake, bumili na lang kayo ng Bench Love Affair. Tunay na gawang Pinoy pa. Kaya lang kung minsan kaya nadadala tayo sa pabangong local na hindi naman gawa ng Bench ay dahil makalipas lang ang isang minuto wala na ang amoy. Kung minsan nangangamoy maasim pa. Kaya nga hindi namin masabing bilhin ninyo ang kahit anong local brand eh. Bench na lang ang bilhin ninyo.

vuukle comment

BAYANIHAN DANCE COMPANY

BENCH LOVE AFFAIR

CONGRESSMAN RONALD SINGSON

ISANG

LANG

LOVE AFFAIR

NAMAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with