^

Pang Movies

Kumpirmado ng mga madre Chin-Chin nagmo-mongha na sa kumbento!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

May nakasabay akong dalawang madre sa MRT (Metro Rail Transit) nung Sabado mula sa North EDSA pa-Taft Avenue station.

Na-curious akong itanong kung totoong nagmadre na si Chin-Chin Gutierrez. Ang pagkakaalam nila ay nagkaroon na ng vows ang aktres at isa nang mong­ha. Pero hindi tulad nilang madre na galing sa Two Hearts congregation na puwedeng lumabas-labas.

Ang commitment at vow daw kasi ni Chin-Chin sa Carmelites ay more on prayers. Kaya hindi na itong puwedeng lumabas. Pero bukod sa pagdadasal, busy rin ang dating aktres sa ibang activities like pagtatanim, pagtatahi, at paggawa ng kung anu-anong craft sa loob ng kumbento.

Malamang kaya na iba ang nag-submit ng name ni Chin-Chin para sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia’s annual Sexiest Vegetarian Celebrity contest kaya nakasama ang name ng aktres? 

Transgender bawal sa World Supermodel pero retokada OK

Bukas na pala ang screening para sa paghahanap sa susunod na World Supermodel Philippines pageant hanggang September.

Ang paglalabanan dito ay isang international title para sa modelo na may edad na 20-30 years old na ang mananalo ay magko-compete sa World Supermodel sa Queensland, Australia na gagawin sa third week ng November ngayong taon.

Nilinaw ng mga member ng committee pageant na hindi sila puwedeng tumanggap ng transgender at natural-born Filipina ang kanilang hanap. Puwede pa nilang ma-tolerate ’yung mild na retoke sa mukha o katawan ng mga contestant pero hindi ang dumaan sa proseso ng transvi na mga pa-girl.

Sa mga gustong sumali puwedeng maglog on sa [email protected] o tumawag sa +6327-5254443, +63918-2576779, o sa 994-29-77 pwede mag-send ng mail sa [email protected].

 

vuukle comment

CHIN-CHIN GUTIERREZ

ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS

METRO RAIL TRANSIT

PERO

SEXIEST VEGETARIAN CELEBRITY

TAFT AVENUE

TWO HEARTS

WORLD SUPERMODEL

WORLD SUPERMODEL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with