^

Pang Movies

James naglalamyerda sa Italy kasama ang pakakasalang Filipina-Italian

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bakasyon grande sa Italy si James Yap. Hindi naging maramot si James dahil ibinahagi niya sa fans ang pictures ng paglalam­yerda niya sa Italy. Isa lang ang question ko, sino ang kasama ni James sa Italy, ang kanyang pretty dyowa na Filipina-Italian? Imposible na walang date si James ’no?

Richard mapipilitang iwan si Sarah

Babalik ng Pilipinas si Richard Gutierrez para sa promo ng My Lady Boss (kapareha si Marian Rivera) na ipalalabas sa mga sinehan sa first week ng July.

Nagpunta si Richard sa Europe dahil dina­law niya ang girlfriend na si Sarah Lahbati. Puwedeng mag-extend si Richard ng kanyang bakasyon pero alam niya ang mga obligasyon bilang lead actor ng My Lady Boss.

Ruffa natanggap sa London university 20 years ago pa

Magkikita sina Richard at Ruffa Gutierrez bago ito lumipad sa London, England dahil sa kanyang pag-aaral.

First time ni Ruffa na mag-aaral sa London. Natanggap na siya sa isang university doon, 20 years ago. Hindi natuloy ang plano ni Ruffa dahil naging beauty queen siya at naging hectic ang kanyang schedule.

Ngayong mommy na siya at maluwag ang kanyang schedule, nag-decide si Ruffa na ipagpatuloy ang naudlot na studies dahil naniniwala siya na importante na may pinag-aralan ang isang tao.

Palagi kong sinasabi na mataas ang respeto ko sa mga showbiz personality na ginagawa ang lahat para makatapos ng pag-aaral.

Lovi wala sa bukabolaryong patulan si Cesar

Tanggap ng televiewers ang love team nina Lovi Poe at Rocco Nacino kaya sila uli ang magkapareha sa Hanggang Ngayon, ang coming soon teleserye ng GMA 7.

Kasali rin sa Hanggang Ngayon si Cesar Montano na gaganap na karelasyon ni Lovi. Sa tunay na buhay, malabo nang ma-link sina Lovi at Cesar sa isa’t isa dahil pang-single men lamang ang beauty ni Lovi.

vuukle comment

CESAR MONTANO

HANGGANG NGAYON

JAMES YAP

LOVI

LOVI POE

MARIAN RIVERA

MY LADY BOSS

RICHARD GUTIERREZ

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with