^

Pang Movies

Diva ayaw sumuko sa ambisyong mag-beauty queen

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa rin nawawala ang dream ni Diva Montelaba na maging isang beauty queen balang araw. Kaya in the next two years ay papasukin na niya ang mag-training para maging isang beauty queen at sana nga raw ay suwertehin siya kapag ipinasok siya sa isang national beauty pageant.

“Bata pa lang ako ’yun na ang dream ko. Dream din iyon ng lola ko para sa akin. Kaya ang lola ko ang nag-encourage sa akin na sumali sa mga beauty contest sa Cebu noon. Masuwerte naman at nananalo ako. Ang lola ko rin ang nagsabi sa akin na pasukin ko rin ang showbiz. Magiging stepping stone ko na ito sa dream kong maging isang beauty title holder balang araw,” paliwanag ni Diva.

’Yun nga lang ay hindi na nga makikita ng kanyang lola ang pagiging beauty queen niya dahil sumakabilang-buhay na ito noong November 2012.

Sobrang nalungkot si Diva dahil isa nga siyang lola’s girl at ito ang nagpalaki sa kanya.

“Hanggang ngayon naiiyak ako kapag naiisip ko na wala na ang lola ko. Siya kasi ang reason kung bakit nandito ako sa showbiz at siya rin ang reason kung bakit ako excited umuwi ng Cebu parati.

“Ang lola ko ang kino-consider kong mommy ko kasi sa kanya na ako lumaki. Hinabilin ako ng mommy ko sa kanya noong baby pa ako.

“Lumaki ako na walang ama at hindi ako naging close sa mommy ko. Ta­nging si lola lang ang tinuring kong magulang. Kaya sobrang apektado ako noong nawala na siya,” emote pa ni Diva.

Pero ipagpapatuloy ng young star ang mga pangarap ng kanyang lola sa kanya. Ang ipagpatuloy ang pag-aartista at maging beauty queen balang araw. Kasama nga si Diva sa afternoon drama series na Maghihintay Pa Rin.

“Kapag may bago nga akong show lagi kong ibi­nabalita kay lola. Ngayon wala na akong mabalitaan.

Ipinagdarasal ko na lang si lola. Alam kong masaya na siya kung nasaan siya ngayon. At alam kong happy siya dahil maayos naman ang takbo ng career ko,” sabi ni Diva.

Ervic nabuksan ang mga mata sa tao

Maraming natutunan si Ervic Vijandre sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa Taguig City noong nakaraang eleksiyon kahit hindi siya sinuwerte na manalo bilang konsehal. Nabuksan ang kanyang mga mata niya sa kalagayan ng maraming tao.

May proyekto sana si Ervic para sa maraming kabataan ng Taguig tulad nang pagtatag ng isang sports clinic, pagpapaayos ng mga classroom, at pag-donate ng mga school supply at mga gamot sa mga barangay clinic.

Willing namang tumulong si Ervic anytime. Sa ngayon ay bubuo na lang daw sila ng grupo na tutulong sa mga kabataan sa Taguig City.

“Mahirap na ’yung mag-offer ka ng tulong, ’di ba? Baka masamain pa nila. Mabuti na itong kusa na lang kaming kikilos para mas maraming tumulong sa mga kabataan ngayon.

“Kung sakaling humingi sila ng tulong sa amin, okay lang. Mas maganda ’yung maraming nagtutulungan,” sabi ng aktor.

Isa si Ervic sa nasaktan noong magkaroon ng malaking gulo sa Taguig, ilang araw bago ang eleksiyon. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa ginawang imbestigasyon.

Balik showbiz muna siya ngayon at kasalukuyang sinu-shoot niya ang indie film na Florante at Laura na kasama niya sina Venus Raj, Ynez Veneracion, at Teejay Marquez.

Simon Cowell at iba pang judges sa Britain’s Got Talent pinagbabato ng itlog!

Pinagbabato ng itlog ang judge ng Britain’s Got Talent na si Simon Cowell. Nagulat na lang ang mga tao nang biglang may umakyat na babae sa entablado habang nagpe-perform ang contestants na sina Ri­chard and Adam Johnson.

Biglang pinagbabato ng babae ng itlog si Simon at pati kasama pa niyang judges na sina Amanda Holden, Alesha Dixon, at David Williams.

Kaagad hinuli ang babaeng si Natalie Holt at pinalabas na ito ng venue.

Noong mahimasmasan, agad namang nagpadala ng apology si Natalie sa kanyang ginawa.

“I want to apologize to Richard and Adam for overshadowing their performance. I’ve never done anything like this before and in hindsight I have rea­lized it was a silly thing to do,” sabi niya.

 

vuukle comment

AKO

ERVIC

GOT TALENT

KAYA

LANG

LOLA

SIMON COWELL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with