^

Pang Movies

Magulang nina Bea Binene at Jake Vargas may away!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Parang kelan lang ay sweet-sweet-an ang magka-love team na sina Bea Binene at Jake Vargas dahil mukhang nauwi na sa totohanan ang tambalan nilang dalawa.

Feeling proud pa nga si Bea dahil ang picture niya ang nasa screensaver ni Jake.

Pero isang linggo na palang may LQ ang dalawa dahil nabuking ni Bea si Jake na kapag galing pala ito sa kanilang bahay ay gumagala pa ito sa kanyang mga kaibigan.

Nag-text kasi ang daddy ng actor-singer kay Bea dahil nag-aalala itong gabi na ay wala pa ang anak sa kanilang bahay sa Subic. Nagkataong hindi sinasagot ni Jake ang tawag at text ng kanyang daddy. Hindi naman naging maganda ang dating ng mga text ng daddy ni Jake sa mommy ng teen actress. Katuwiran ng mommy ni Bea ay nasa hustong gulang na si Jake para hanapin pa. Kaya ang magbiyenang hilaw ay nag-away din. Hindi na lang pinahaba ng daddy ni Jake ang palitan nila ng text ng mommy ni Bea.

Nag-alala lang kasi ng sobra ang daddy ni Jake dahil kamamatay lang ng lawyer nila  nung matapos ang eleksiyon. Binaril daw ito sa mukha at tumagos sa ulo ng abogado ang bala kaya raw namatay. Last year kasi ng September ay na-kidnap for ransom ang kuya ni Jake at hipag nito. Ang aktor daw ang nagbayad ng P200,000 kaya nabawi nila ang mag-asawa.

Kaya ganun na lang ang worry ng tatay ni Jake nang minsan itong gabihin sa daan na nakitang solo lang lumakad ang bagets. Isang linggo ring hindi nag-imikan ang mag-ama pero nag-uusap na sila ngayon.

Sweet na uli sina Jake at Bea pero may silent war pa rin ang magbiyenang hilaw na hindi pa nagpapansinan sa set ng trabaho ng kani-kanilang mga anak.

Jennica, beauty expert sa sariling blog

May bago na palang career si Jennica Garcia pagkatapos ng Bukod Kang Pinagpala ng GMA 7.

Bukod sa pagiging active niya ngayon sa kanilang church ay busy din ang anak ni Jean Garcia sa kasasagot ng direct mail sa kanyang blog account.

Nawiwili ang aktres sa kababasa ng mga nakakatuwang kuwento sa kanyang blog. Ang nakakaaliw ay ang pagbibigay niya ng advice ng mga skin care at nagrerekomenda na rin siya ng mga tamang product na dapat gamitin sa kanilang face at body skin.

Marami kasi sa kanyang fans na nagtatanong kung bakit siya flawless at makinis ang kanyang mukha na isi-share niya sa mga nagbabasa sa kanya.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

BINARIL

BUKOD KANG PINAGPALA

JAKE

JAKE VARGAS

JEAN GARCIA

JENNICA GARCIA

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with