^

Pang Movies

Kahit nasaang lugar: Susan Roces adik sa pamamalengke!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa manager ni Ms. Susan Roces (Dolor Gue­­varra) namin nalaman na si Ms. Pilar Pila­pil ang pumalit sa role ni Amalia Fuentes sa teleseryeng Mu­ling Buksan ang Puso. Naka-schedule pa lamang mag-taping si Pilar kaya mga eksena muna ni Susan ang sinu-shoot nila sa Taal, Batangas.

Natatawa ngang kuwento ni Dolor, mahilig pa ring mamalengke si Susan kapag nasa isang lugar ang aktres at pag taping break.  Minsan nga na nakakita ito ng maliit na store na ma­sa­­sarap ang tindang kakanin, maraming binili si Susan hindi para sa kanya kundi sa mga kasama niya sa taping. 

Nagkataon pa raw na nakita nito si Taal Vice Mayor Pong Mercado na da­ting empleyado ni Mother Lily Monteverde sa Regal Entertainment, Inc. at nang malamang nagti-taping siya roon, hindi pa raw nagtatagal na nakabalik sa location si Susan, kasunod na niya ang napakaraming masarap na suman gawa sa Taal at matatamis na hinog na mangga mula kay Vice Mayor Pong which Susan shared sa production staff. 

No wonder na love na love ng staff si Susan dahil wala silang sakit ng ulo at hindi sila nai-stress sa pakikipagtrabaho sa kanya.

Gloria Romero bumabata ang pakiramdam tuwing makukulit ang kasama

Ini-enjoy ni Ms. Gloria Romero ang bagong role niya sa One Day, Isang Araw na kasama niya ang makukulit pero mga bibong-bibong mga bagets na  sina Jillian Ward, Joshua Uy, Milkcah Nacion, at Marc Justine Alvarez. Nakakabata raw ng feelings kapag kasama niya ang mga bata kahit pa once a week lamang ang taping nila dahil lagi raw siyang napa­patawa ng mga ito. 

At 80 years old, ayaw pa rin niyang tumigil sa pag-aartista kaya ipinagpapasalamat niya na hindi siya nawawalan ng project sa GMA Network, Inc. Ikinatuwa rin niya na muli                 niyang makakasama si Camille Prats na ang huli pa nilang pinagsamahan ay ang Munting Heredera.

Sa presscon ng One Day Isang Araw, ipinakilala ang apat na bagets. Si Jillian as Daisy ay napaka-prim and proper na sa pagkilos at pagsasalita. Comic naman sa apat si Joshua, as Uno. Talented ang bagets na at six ay accelerated na sa Grade II this school year. Hyper lagi ito na kilos nang kilos kapag hindi nagti-take.

May pagka-seryoso naman si Isang (Milkcah) ang iyaking best friend ni Daisy. Grade 3 na si Milkcah at mas gusto niyang mag-attend ng regular classes. Natandaan naman si Marc as Sunny sa pagganap niya bilang si Antonio, anak ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Indio. Ikinagulat ni Ms. Gloria na kababalik lamang ni Marc mula sa Israel na nag-shooting siya ng indie film na Transit.

Nang pinakanta siya ng theme song ng movie, inawit niya ito sa Hebrew language.

Sa Sabado, June 15, after 24 Oras Weekend, mapapanood na ang iba’t ibang story na nabuo sa imagination ng apat kapag magkakasama sila sa kanilang tree house.

AMALIA FUENTES

BONG REVILLA

CAMILLE PRATS

DOLOR GUE

GLORIA ROMERO

ISANG ARAW

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with