^

Pang Movies

Pelikula ni Dingdong unang ipinapanood sa mga preso!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tinupad nina Dingdong Dantes at reporter-director Cesar Apolinario ang pangako nila sa mga Cebu dancing inmate na sila ang unang makakapanood ng Dance of the Steel Bars kapag ipinalabas na ito. After three years, natupad na ang promise nila. Kahapon, kasama nina Dingdong, Direk Cesar at Direk Marni Manicad ang mga executive ng Portfolio Films at GMA Films sa Cebu. Nagkaroon muna sila ng courtesy call sa Office of the Go­ver­nor sa Cebu Provincial Capitol bago sila tumuloy para sa special screening ng movie na nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). 

First time ito na isinagawa ang isang special preview ng isang pelikula sa loob ng kulu­ngan, sa Cebu Provincial and Rehabilitation Center (CPDRC). Ang mga dancing inmate ang gumanap sa true to life stories nila, kasama sina Dingdong, Hollywood actor Patrick Bergin, Ricky Davao, Joey Paras, at Kathleen Hermosa.

Sa Lunes, June 10, ang premiere showing ng Dance of the Steel Bars sa SM Megamall, Mandaluyong City. Maraming nagtatanong kung makakadalo si Marian Rivera na may cameo role sa movie.  June 8 kasi, Marian with Rafael Rosell will participate at the 115th Independence Day celebration sa Carson City, California, USA. Sa June 12, sa celebration ng Independence Day natin dito, ipalalabas na ang pelikula sa lahat ng SM cinemas nationwide.

Fift death anniversary ni Daboy minisahan sa Heritage

Fifth death anniversary kahapon ng yumaong actor na si Rudy Fernandez at isang Holy Mass ang ginawa sa Heritage Memorial Park sa Taguig City. Tamang-tama naman na ginampanan ni Lorna Tolentino, sa first guesting niya sa Magpakailanman, ang role ng wife na ipinamigay ang kanyang mga anak para lamang maalagaan ang maysakit niyang asawa. 

Relate na relate si LT sa character niya sa Sa Hirap at Ginhawa: The Susan Maniega Story na idinirek pa ni Laurice Guillen na nami-miss na rin ang yumaong husband niyang si Johnny Delgado.

Gagampanan naman nina Isabel Oli at Polo Ravales ang role ng mga anak na ipinamigay ni Susan noong mga bata pa sila. Mailapit bang muli ni Susan ang loob niya sa mga anak niya? Mamayang gabi na ito, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.

Dominic Roco ipinalit ni Sheena kay Rocco

Si Dominic Roco na ba ang new love ni Sheena Halili, kapalit ni Rocco Nacino? Minsan ay nai-tweet ni Sheena na very happy siya, ito ay pagkatapos ng epic serye nilang Indio na magkatambal sila. Napansin kasi ang closeness nila habang ginagawa nila iyon pero nang may magtanong kung si Dominic na ang guy, nag-deny si Sheena. 

Muli silang pinagtambal ng GMA News TV sa Wagas episode na Maid Just For You na gaganap si Sheena bilang isang kasambahay na si Marie.  Mapapanood ito mamayang gabi pagkatapos ng Day-Off.

vuukle comment

AMAZING STORIES

CARSON CITY

CEBU

CEBU PROVINCIAL AND REHABILITATION CENTER

CEBU PROVINCIAL CAPITOL

DANCE OF THE STEEL BARS

INDEPENDENCE DAY

SHEENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with