Gatas ni Yasmien pinakikinabangan ng iba
Dahil sa sobrang gatas na lumalabas sa dibdib ni Yasmien Kurdi ay dino-donate niya ang iba sa nurÂsery ng Philippine General Hospital (PGH). Simula noong manganak at magpa-breastfeed ang aktres ay sobra-sobra na talaga ang breast milk na kanyang napa-pump. Imbes na itapon nga naman niya, naisip niyang i-donate na lang sa mga bagong panganak na babies sa PGH.
“May friend na nagsabi sa akin na puwede kong i-donate ang breast milk ko sa mga babies na inabandona ng mga mother nila sa PGH. Kasi nga naman, sobra-sobra ang gatas ko. May tinatago naman ako for my baby. ’Yung sobra pinadadala ko sa PGH. At least, nakakatulong ako sa babies na ito na maging healthy sila tulad ng baby ko,†smile ni Yasmien.
Nagbabalik siya ngayon sa pag-arte at gaganap bilang ina sa Anna Karenina. Guest role nga lang ito kaya mawawala siya sa series habang baby pa ang tunay na Anna Karenina Montecillo.
Acting ni Krystal walang pinagkopyahan
Mula sa pagiging child actress na na-introduce noon sa TV series na Bakekang, isa nang dalagita si Krystal Reyes at bini-build up na bilang isang lead star kasama sina Barbie Forteza at Joyce Ching sa primetime series na Anna Karenina.
Gaganap nga si Krystal bilang si Anna Serrano, ang isa sa nagke-claim na tunay na heredera ng pamilyang Montecillo. Si Antoinette Taus ang original na gumanap bilang Anna sa original series nito noong 1996 na produced ng Viva Television.
Say nga ni Krystal, hindi raw pinapanood sa kanila ang original series dahil gusto nga ng director nilang si Gina Alajar na fresh ang prospective nila sa project.
Ito ang big break ni Krystal bilang teen actress. Noong child star pa siya, nabigyan na siya ng pagkakataon na magbida sa mga teleserye na Princess Charming at Mga Mata ni Anghelita.
Sa Anna Karenina ay partner niya si Julian Trono at ka-love triangle nila si Joanna Marie Tan.
Indie actor sinusuwerte sa TV projects
Masuwerte ang indie actor na si Marvin Yap dahil hindi siya nawawalan ng mga TV project sa bakuran ng ABS-CBN.
Nagsimula nga si Marvin sa indie film na Hada at nakitaan nga siya ng potential na maging isang character actor on television.
“Wala naman tayong hangad na magbida eh. Okay na ’yung may work kahit na support lang. Ang masaya ay ’yung iba-ibang mga artista ang nakakatrabaho natin,†sabi ni Marvin.
Lumabas na ang aktor sa I Love Betty La Fea, Muntik Na Kitang Minahal, Katorse, May Bukas Pa, Rubi, Noah, Buhawi Jack, Minsan Lang Kita Iibigin, Budoy, Aryana, at Toda Max.
Sa indie films naman, lumabas na si Marvin sa OFW’s Wife, Pukaw, Boy Onse, at ang kakatapos lang niya na Kapit sa Patalim. Mula ito sa direksiyon ni Lauro Mira at kasama pa niya rito sina Mel Martinez, Melissa Mendez, Mel Kimura, at Aldrico Lubaton.
- Latest