^

Pang Movies

Willie Revillame pinakakasuhan na sa mas mataas na korte ng child abuse!

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng QC  Prosecutor’s Office  sa mataas na korte ang TV host/komedyante na si Willie Revillame  ng child abuse  dahil sa pagpapasayaw nito sa anim na taong gulang na bata habang umiiyak  saka binigyan ng P10,000  sa binuwag na  TV show na Willing Willie noong  March 12, 2011.

Ang kasong ito ay na-raffle na sa QC Metropolitan  Court, Branch 86. 

Ayon kay Assistant City Prosecutor Benjamin Samson, nakakita sila ng  probable cause para kasuhan si  Revillame  hinggil sa paglabag sa  Section 10 (a) ng  Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Law.

Ang kaso ay isinampa kay Revillame ng Department of Social Welfare and Development.

Dinismis naman ng prosecutors office ang kahalintulad na kaso na naisampa kay Revillame  at mga opisyal ng TV5 ni running priest Fr. Robert Reyes dahil sa kakulangan ng legal personality.                                                                                                             

ANTI-CHILD ABUSE LAW

ASSISTANT CITY PROSECUTOR BENJAMIN SAMSON

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

REPUBLIC ACT

REVILLAME

ROBERT REYES

WILLIE REVILLAME

WILLING WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with