^

Pang Movies

Richard ayaw magkomento sa ‘pagbubuntis’ ni Sarah

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mixed emotions ang Kapuso actor na si Richard Gutierrez sa pagtatapos ng original suspenserye ng GMA 7 na Love & Lies na pinagbibidahan nila nina Michelle Madrigal at Bela Padilla. Masaya siya dahil isa ito sa dream project niya na nagawa sa primetime at malungkot dahil magtatapos na ito. Ma­rami pang unpredictable na mangyayari sa huling dalawang linggo nito sa GMA Telebabad block.

After  nitong Love & Lies ay magpapahinga muna si Richard. Kailangan niya ng bakasyon kasama ang kanyang pamilya dahil naging very busy sila these past few months.

May mga bali-balita ukol sa pagtatapos ng kontrata niya sa GMA 7 kaya ma­rami ang naghihintay sa gagawing desisyon ni Richard. Inaabangan kung magre-renew ba siya o ito na ang huling project niya sa network. Todo-iwas ang aktor sa pagsagot nito sabay sabing, â€œHindi ko pa po masasagot sa ngayon ’yan siyempre. May tamang panahon para riyan.”

Nang tanungin namin kung kasama ba sa mga lugar na pagbabakasyunan niya ang bansang Switzerland, kung nasaan ngayon ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati, ay biglang nangiti ang guwapong aktor.

“Tingnan natin... maaari,” sambit pa nito nang makausap namin sa 17th floor ng GMA Network, Inc.

Pero naging mailap si Chard na magbigay ng komento tungkol kay Sarah at sa lagay nito sa ibang bansa. Wala siyang komento tungkol sa huling ipinoste ng young actress sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita nitong payat siya at hindi buntis, gaya ng nababalita.

“Nandito tayo for Love & Lies, and ayoko munang pag-usapan ’yung mga personal na nangyayari sa buhay ko ngayon. We have the right time to discuss that,” pahayag pa ni Chard.

Samantala, nakumusta rin sa kanya ang inang si Annabelle Rama na tumakbong kongresista sa first district ng Cebu. Buo ang kanilang suporta sa ina at tinanggap naman nila ang kinahinatnan nito. Malaki raw ang naitulong ni Annabelle para lalo silang maging close, pati sa mga kababayan nila sa Cebu.

“Para sa amin no regrets. Actually, ang buong experience ng campaign namin was very positive to our family. Mas naging close kami sa Rama sa Cebu.

“We did a good, clean, and strong campaign sa Cebu.  It was a good experience. So, ngayon, tutulong pa rin kami sa Cebu. Nakita namin kung ano ang naging problema nila,” pahayag pa ni Richard.

Ngayon ay balik na raw sa dating trabaho ang mommy niya bilang manager ng Royal Era Entertainment at hinihintay na ng maraming meeting.

                                                                                

 

 

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BELA PADILLA

CEBU

MICHELLE MADRIGAL

RICHARD GUTIERREZ

ROYAL ERA ENTERTAINMENT

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with