^

Pang Movies

Balik-tambalan nina Guy at Pip kasado na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang grand celebration ang handog ng TV5 kay Nora Aunor mamayang hapon bilang pagdiriwang ng kanyang 60th birthday. The invitation said, “Celeb­rate with Ate Guy her 60 wonderful years with family and friends.” Kami, we wish her good health and happiness and more projects na magpapakita ng kanyang kahusayan sa pagganap. In this connection, isabay na kaya sa birthday party ni Ate Guy ng TV5 ang announcement ng pagbabalik tambalan ng phenomenal Guy and Pip. 

Simula nang bumalik sa bansa si Guy, nag-wish na ang mga Nora Aunor at Tirso Cruz III fans na muli silang magtambal pero hindi nangyari dahil may mga nauna nang shows na natanggap si Pip sa ABS-CBN. But with a telecine, na may title na When I Fall In Love, matutupad na ang wish ng fans. Balita rin namin na gaganap din sa te­le­cine si Bodie Cruz, youngest son ni Pip at inaanak sa binyag ni Guy, na gaganap na young Tirso. Kung hindi kami nagkakamali, ididirek ito ni Joel Lamangan.

Paula Bianca pangarap maka-duet ang tiyahing si Sharon

It’s true that Paula Bianca rocks Teatrino sa kanyang concert last Saturday na ang pamagat ay Paula Bianca Rocks Teatrino. Napuno ang theater sa Greenhills, San Juan City ng kanyang family, friends, and fans na bumilib sa kanyang performance. First time naming napanood sa concert si Paula Bianca at humanga rin kami sa pagiging R&B singer niya. Maganda ang boses ni Paula Bian­ca at ewan kung paano hindi nagbago ang boses niya sa may halos 20 songs yata na kinanta niya. 

Ilan dito ay mula sa kanyang self-titled debut album na ang carrier single ay ang Napakasakit Naman written by Vehnee Saturno for Vicor Music.

Si Paula Bianca ay unica hija ni Danny Cuneta of PAGCOR, brother ni Megastar Sharon Cuneta. Hindi na lamang ginamit ni Paula Bianca ang surname nila para hindi siya ma-accuse of riding sa magic of that name. Isang mass communication magna cum laude graduate sa St. Scholastica’s College, Manila si Paula Bianca pero noon pa ay hilig na niya ang pagkanta kaya lamang minabuti niyang tapusin muna ang college. 

Dream din ni Paula Bianca na maka-duet sa isang show si Sharon at hindi raw niya nalilimutan ang advice nito sa kanya para magtagal siya bilang isang artist na she should love her fans and to keep her feet firmly on the ground.

 

vuukle comment

ATE GUY

BIANCA

BODIE CRUZ

DANNY CUNETA

GUY AND PIP

NORA AUNOR

PAULA

PAULA BIANCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with