^

Pang Movies

Komedyana ayaw nang makipagbalikan, suot na helmet nalaglag na: Asawa ni AiAi nakabuntis ng iba?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pa rin nagsasalita si AiAi delas Alas tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang dyo­wang si Jed Salang.

May kumakalat na tsismis na buntis daw ang other woman ni Jed pero may nagsabi na hindi totoo ang balita. Ikinakalat daw ng mystery girl ang tsismis para lumala ang away nina AiAi at Jed.

May kuwento na natauhan na raw ng todo ang komedyana as in hindi na ito makikipagbalikan kay Jed kesehodang ipangako nito sa kanya ang buong kalangitan. Parang nalaglag daw ang helmet na suot ni AiAi na sobrang in love rin noon sa kanyang asawa na nag-ambisyon na maging artista noong bagets pa siya.

So, alam na natin ang dahilan kaya nakipagrelasyon si Jed kay AiAi. Gusto rin niya na pumasok sa showbiz!

‘Maraming salamat sa mga nakaalala’

Maraming salamat sa mga nakaalala sa aking 66th birthday. Bukas pa ang kaarawan ko pero may mga nagpadala na kahapon ng bonggang cakes sa studio ng Startalk.

Hindi ko na iisa-isahin ang mga nagbigay ng gifts, cakes, at kung anik-anik. Hindi ko pinangarap na may magtampo kapag nalimutan ko na banggitin ang kanilang names.

Siyempre pasasalamatan ko ang staff ng Startalk dahil sa birthday greetings nila sa akin. I categorically deny na hindi ko naging crush si Joey de Leon noong magkaklase kami sa Moises Salvador Elementary School sa Sampaloc, Maynila.

Hindi ko siya type ’no?! Si Papa Joey lang ang trying hard sa pagsasabi na may crush ako sa kanya. I’m sure it’s the other way around dahil bagets pa lang ako taglay ko na ang likas na kagandahan ng isang mayuming Pilipina!

Isa lang ang hindi ko ide-deny, pa­lagi kaming nag-aaway ni Papa Joey noong kaklase ko siya at true ang in­siden­te na tinusuk-tusok ko siya ng lapis. Bagets pa lang ako, may lahi na akong mangkukulam!

Wala na akong maisip na birthday wish maliban sa good health at more pro­jects para sa aking mga alaga.

Kapag marami silang mga project, marami rin ang datung ’di ba? Ay, birthday wish ko rin na ma-maintain ng Star­talk ang pagiging number one sa ratings at number one showbiz authority pagdating sa entertainment news. (Maligayang kaarawan ‘Nay Lolit. Mwah mwah. – SVA)

Regine sinuway ang doktor

May taping ngayon si Regine Velasquez para sa kanyang cooking show sa GMA 7, ang Sarap Diva.

Nagbakasyon si Regine sa mga programa niya sa GMA 7 dahil sa utos ng doktor na ipinahinga niya ang kanyang boses.
Nakapagpahinga naman si Regine pero hindi dire-diretso dahil tinupad niya ang kanyang mga natanguan na guesting, ang special appearance niya sa concert ni Vice Ganda noong Biyernes, at ang free show kahapon sa isang mall sa Taguig City.

vuukle comment

JED SALANG

MARAMING

MOISES SALVADOR ELEMENTARY SCHOOL

NAY LOLIT

PAPA JOEY

REGINE VELASQUEZ

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with