^

Pang Movies

Naudlot na kuwento ng Annaliza tatapusin na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa susunod na Lunes, Mayo 27, mapapanood na sa ABS-CBN ang remake ng isang klasikong TV drama series, ang Annaliza. Kung hindi pa n’yo alam, ang original Annaliza ay naging No. 1 dra­ma noong araw sa Cebu. Wala nga lang siguro silang makuhang detalye dahil hindi pa naman uso ang Google noon kaya nga siguro halos wala nang masabi pero ang mga Cebuano na may edad na ay alam iyon.

Dinala rito ni Rey Benedicto ang Annaliza dahil naging matagumpay ang isa pang radio drama mula sa Cebu na ginawa rin niya sa TV, ang Flor de Luna. Tumaas din ang ratings ng Annaliza pero hindi nagtagal. Anim na buwan lang yata tumakbo iyon dahil nagkasakit at namatay si Julie Vega. Hinahabol siya ng advertisers kaya ang ginawa nila ay ni-replay ang Annaliza mula sa simula. Ginawa pa nilang parte ng soap ang kamatayan, pati na ang burol ni Julie. Pero ang totoo, hindi natapos ang original na story kung saan matatagpuan sana ni Annaliza ang tunay niyang mga magulang kasi kinidnap siya noong sanggol pa lamang siya.

Pero ngayon, hopefully, sinasabi nilang sa remake ng ABS-CBN ay matatapos ang talagang kuwento ni Annaliza dahil bubuhayin siyang muli. At ang napili nilang gumanap sa role ni Anna­liza ay si Andrea Brillantes. Medyo binago nila ang ibang characters pero sinasabi nga ng kanilang business unit head na si Ruel S. Bayani na pinilit nilang huwag lumayo sa orihinal na istorya, after all, hawak nila ang orihinal na script na siya sanang talagang magiging kuwento kung hindi namatay agad si Julie Vega noon.

Ang isa pang napansin namin, mukhang malaki talaga ang cast ng Annaliza ngayon. Isipin ninyo, sa male cast lang nila ay kasali na sina Zanjoe Marudo, Carlo Aquino, at Patrick Garcia, lahat iyon ay naging bida na sa pelikula at si Patrick ay award winner pa.

Ang mga babae naman nila, sina Denise Laurel at Kaye Abad, na parehong magaling din.

Hindi basta-bastang serye ang Annaliza.

Anak ni Gary Estrada malaki ang potential na idolohin

Doon din sa Annaliza namin nakita si Kiko Estrada. Nagulat pa kami, siya na pala ang anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz. Ang pagsasalita ni Kiko, mukhang kuha kay Gary. Pero ang features ng kanyang mukha, mukhang nakuha sa mga Diaz. Medyo bumbayin, parang ermat at lola niya.

Noong makita namin si Kiko, agree kami sa aming mga kasamahan na siguro nga kung mabibigyan lamang ng tamang break ay magiging matinee idol tala­ga siya. Hindi naman dahil sa ano pa man pero kung titingnan si Kiko ay mas may hitsura naman siya kaysa sa ibang nagpipilit na maging idol sa nga­yon. Bukod doon ay may utak pa ang bata, isipin ninyo nag-aaral ng diplomatic service sa St. Benilde at mukhang may nag-uudyok pa raw na ituloy niya ang pag-aaral sa law school.

Ang basa namin, mabigyan lang ng talagang break si Kiko, siya na ang susunod na idol talaga. Wala na tayong matinee idol since Richard Gomez.

Sa sobrang hilig sa sex, aktres pumapatol sa kapwa babae

Kaya naman pala maraming nasasabi sa isang aktres ay dahil talagang flirt siya at kung minsan totoo naman palang pumapatol siya kahit na sa lesbiana basta hindi raw naman halata at saka maganda ring kagaya niya.

Sa totoo lang, ang aktres na ’yan ay sobra rin ang hilig sa sex kaya hiniwalayan siya ng kanyang ex-boyfriend.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

ANNALIZA

CARLO AQUINO

GARY ESTRADA

JULIE VEGA

KIKO

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with