^

Pang Movies

James Yap pumalag sa gagawing pelikula ni Bimby!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Balitang pumalag si James Yap sa pag-aartista ng anak niyang si Bimby na si Kris Aquino lang ang may gusto. Pero nakausap na ng produ si Kris at lahat ng terms niya ay pinagbigyan. Bida ang kanyang bunsong anak at nakabantay siya lagi sa set. Pang-2013 Metro Manila Film Festival ito.

Gusto kaya ni James na may cut din siya sa kikitain ng anak? Aba, may karapatan din naman siya, ah!

Charice copycat lang ni Nora

Shocked ang marami sa diumano’y ginawang pagpapakasal ni Charice sa kanyang road manager na si Courtney Blooding sa Las Vegas, Nevada kamakailan. Ipinakilala lang siyang tunay na tibo.

Pero hindi siya ang original dito kung totoo nga. Mas nauna sa kanya si Nora Aunor na nabalitang pinakasalan din sa Las Vegas noon ang manager niyang si Norie Sayo.

Ogie may kinalaman sa pagkakasibak ng Party Pilipinas

Ang paglipat ni Ogie Alcasid sa Channel 5 ang sinasabing dahilan kung bakit tinigbak ang Party Pilipinas sa Siyete. 

Ayon kay Lilybeth Rasonable, OIC ng Entertainment TV ng GMA 7, mas maganda at star-studded ang ipapalit nilang noontime Sunday show.

Kung sabagay, good riddance na lang dahil mas pinapanood naman ang ASAP sa Dos kaysa PP sa Siyete.                                                                                                                                                                                               

 

 

vuukle comment

CHARICE

COURTNEY BLOODING

JAMES YAP

KRIS AQUINO

LAS VEGAS

LILYBETH RASONABLE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NORA AUNOR

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with