Christopher ready na sa kasal ng anak, pagkatalo hindi dinamdam
Tapos na ang eleksiyon kaya puwede ko nang banggitin ang name ni Christopher de Leon bilang father of the groom.
Ikakasal sa darating na Linggo si Rafael, ang panganay na anak nina Boyet at Sandy Andolong. Red ang motiff ng church wedding ni Rafael at ng kanyang bride-to-be na si Aerika.
Tulad ni Shalani, tanggap na tangÂgap ni Boyet ang nangyari sa kanyang congressional bid sa proÂbinsiya ng Batangas. At least, very lucky si Boyet dahil nawalan man ito ng political career ay may showbiz career siya na babalikan. Hindi siya kagaya ng ibang mga artista na pumasok sa pulitika dahil hindi na in demand sa showbiz.
Nakita ko na ang picture ng red gown na gagamitin ni Sandy sa kasal nina Rafael at Aerika. MaÂganda ang red gown na creation ni Fanny Serrano. Si Mama Fanny din ang designer ng bonggang wedding gown ng daughter-in-law nina Boyet at Sandy.
Hindi ko puwedeng ilaÂgay dito ang litrato ng wedding gown para hindi mawala ang surprise ’no?!
Pamilya Henares nasa front raw ng programa ni Ellen
Magkakasamang piÂnaÂnood nina Dr. Vicki Belo, Atom Henares at ng kanilang mga anak na sina Quark at Cristalle ang show ni Ellen DeGeneres as in live show dahil nagpunta sila sa studio ng Ellen.
Imposibleng hindi makita sa TV ang happy family nina Mama Vicki at Papa Atom dahil nakaÂpuwesto sila sa front row seats.
Si Will Smith ang guest ni Ellen nang maÂnood ang Henares family. Kailan kaya ang guesting sa Ellen ng bagong YouTube sensation na si Aldrich TalonÂding na inimÂbitahan ni Ellen na lumipad sa Amerika at kumanta ng live sa kanyang programa?
Kalaban ni Alfred nabusalan
Tameme at supalpal ang detractor ni congressman-elect Alfred Vargas na nagkalat ng tsismis na disqualified siya sa congressional race sa 5th District ng Quezon City.
Parang binusalan ang bibig ng mapaÂnirang tao dahil winner si Alfred. Ngayon kaya i-try ng mapanirang tao na magpa-imÂprenÂta ng mga kopya ng diyarÂyo na nagsasabi na disqualified si Alfred? Pati ang newspaper na giÂnamit niya, na-Luz Valdez ang kredibilidad!
Shalani mahaharap na ang pagiging misis
Maganda ang attitude ni ShaÂlani SoleÂdad-Romulo nang matalo siya sa congressional race sa Valenzuela City.
Nag-concede agad si Shalani at tiÂÂnanggap niya nang maluwag sa dibdib ang reÂsulta ng kanyang candiÂdacy. Hindi siya nag-emote na may naganap na dayaan or whatever. NagÂpasalamat siya sa lahat ng mga suÂmuporta sa kandidatura niya.
Puwede nang mag-concentrate si Shalani bilang Mrs. Roman Romulo. It’s about time na magkaroon na sila ng anak ng kanyang asawa na muli namang na-elect bilang congressman ng Pasig City.
- Latest