^

Pang Movies

Vice Ganda supalpal sa judgment kay Nancy

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Congratulations sa mga artistang nagwawagi at mga nangunguna sa bilangan sa katatapos na May 13 elections. Una na rito ang surprise topnotcher sa senatorial derby na si Grace Poe, anak nina Susan Roces at the late Fernando Poe, Jr. Marami ang nagulat na siya ang naging No. 1 dahil sa halos lahat ng survey ay hindi na-forecast ang kanyang big win.

Sina Quezon City Mayor Herbert Bautista and his running mate Vice Mayor Joy Belmonte almost unopposed sa kanilang panalo.

Si possible Rep. Aga Mulach ng fourth district sa Camarines Sur ay naghihintay na lang ng formal proclamation. Elected vice governor of Cavite si Jolo Revilla at representative uli ng Bacoor ang kanyang inang si Lani Mercado.

Nagwagi na bilang congressman ng fifth district ng Quezon City si Alfred Vargas. Sa Makati, nabalitang nanalo na as councilor sina Monsour del Rosario at Jhong Hilario.

Nasupalpal si Vice Ganda sa kanyang mga pahayag sa TV against senatorial candidate Nancy Binay. Malapit nang matapos ang bilangan sa bahaging ito ng eleksiyon at hindi natitinag sa fifth place ang daughter ni Vice President Jejomar Binay.

Ibig sabihin, mahirap na siyang maligwak sa winning circle of 12. Ang sinasabing delikado pa ay ang mga nasa 11th and 12th places. Talagang hindi dapat husgahan ang mga kapwa tao lalo pa’t ang nagbigay ng judgment ay walang sapat na kaalaman sa larangang kanyang pinakialaman.

Manila Filmfest inaasahang bubuhayin!

Pinag-uusapan na ng mga showbiz insider na malamang na ma-revive ang original na Manila Film Festival na sinimulan ng yumaong Gatpuno Antonio J. Villegas, sa pagkahalal ni dating Presidente Joseph “Erap” Estrada bilang alkalde ng Maynila.

Posibleng sa June 2014 ay magsimulang muli ang namanang pista ng mga pelikulang Pilipino dahil sa tuwing Araw ng Maynila, June 24, ginaganap ito. Dati’y kasali na ang mga lungsod ng Quezon, Caloocan, at Pasay sa Manila filmfest. Puwede bang idagdag ang Pasig, Mandaluyong, at Marikina, upang higit na dumami ang mga sinehang lalahok?

Naging nationwide na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) tuwing Dec. 24 at nagdagdag pa ng new wave (indie film) section, documentary, at student division sa MMFF kaya’t ibang-iba pa rin ito kung bubuhayin ang Manila Film Festival.

Ang magkaroon ng dalawang Pinoy film fiesta sa isang taon ay higit na magbibigay sigla sa industriya ng pelikula.

Star Wars VII sinimulan nang gawin sa England

Sisimulan na ang shooting ng Star Wars: Episode VII sa England. Noong binili ng Walt Disney ang Lucas films sa halagang U$4.5B, pinahayag na tatlo pang mga bagong Star Wars sequel ang gagawin nila.

Ang paggawa ng bagong Star Wars ay sa loob ng malalaking studios na Pinewood, Elstree, at Shepperton. Umaandar na ang mga utak ng creative team ng Disney/ Lucas Film upang gawing kakaiba ang darating na Star Wars saga, na balak ipalabas sa 2015.

Kapamilya nag-uwi ng 32 Doves

A total of 32 trophies ang napanalunan ng ABS-CBN sa Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), kabilang na ang Lifetime Achievement plum for Charo Santos-Concio at Ka Doroy Valencia Brodkaster of the Year honor for Ted Failon.

Nahirang na TV Station of the Year, nagwagi pa ng Best TV Program ang TV Patrol, best TV Magazine Program ang Rated K, at Best TV Drama Program ang Maalaala Mo Kaya.

Si Gerald Anderson ang nanalong Best TV Actor for Budoy at si Janice de Belen ang nagwaging Best TV actress for Ina, Kapatid, Anak.

Ang wala na sa ereng Sarah G. Live! ang nanalong Best Musical Program. Ang DZMM ang tinanghal na AM Radio Station of the Year with Julius Babao winning the best radio newscaster trophy.

AGA MULACH

ALFRED VARGAS

BEST

BEST MUSICAL PROGRAM

CAMARINES SUR

CHARO SANTOS-CONCIO

DRAMA PROGRAM

MANILA FILM FESTIVAL

STAR WARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with