^

Pang Movies

Kris paboritong pangaralan ng mga pari!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang nitong mga nakakaraang araw ay paboritong pangaralan ng Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) si Kris Aquino.

Nagsimula lang ’yan nang may informant si Archbishop Emeritus Oscar Cruz ng Lingayen-Pangasinan na si Kris ay may balak na tumakbong vice president sa 2016. Talagang sinabi ni Archbishop Cruz na hindi siya pabor sa pagtakbo ng presidential sister sa 2016 dahil palalawakin lang ni Kris ang political dynasty na tinututulan kahit na ng nanay niyang si dating Presidente Cory Aquino.

Binilinan din siya ni Fr. Melvin Castro, ang executive secretary ng CBCP na huwag nang makihalo sa pulitika. Si Fr. Melvin ay nasa Diocese of Tarlac na siyang probinsiya ng mga Aquino at sinasabing lugar na tatakbuhan niya bilang gobernador o mayor.Aminado naman kasi si Kris na hindi siya uubra sa mga Binay sa Makati City. Sinabi ni Fr. Melvin na sana raw huwag nang humalo pa sa pulitika si Kris “out of delicadeza.”

Pero mukhang matigas si Kris dahil sinasabi nga niyang malaki ang binabayaran niyang tax kaya may karapatan siya. 

Anyway, sinabihan din siya ni Bishop Jose Oliveros ng Malolos, Bulacan na kung talagang ipapailalim niya ang anak niya kay Phillip Salvador na si Joshua sa stem cell treatment, siguruhin lamang niyang iyong moral na pamamaraan ang gagamitin. Meron kasing klase ng stem cell na kailangang kunin sa embryo. O iyong hindi pa naisisilang na sanggol at kung gagawin iyon ay maaaring mamatay ang bata sa sinapupunan. Para kang pumatay ng tao para mapagaling ang isang may sakit. Iyon ang tinututulan ng simbahan at sinasabi ngang ang mas epektibong paraan para sa mga special child ay ganoon nga. 

Pero kailan ba nakinig si Kris?

Mike Tan kuntento na sa career

Kuntento na naman pala si Mike Tan kahit na wala siyang assignment kasi kahit hindi siya nabibigyan ng mga TV show, marami naman siyang mga personal appearance na out of town na kumikita rin naman siya. So, maliwanag na ang mahalaga lang sa kanya, basta kumikita siya ay ayos na rin. Hindi naman pala siya nag-aambisyon ng kung ano pa man.

Aktor na may nude photo sa cell phone ng ex takot na takot na mag-ala Marjorie Barretto

Dahil sa nangyari kay Marjorie Barretto, natatakot din ngayon ang isang aktor dahil may nude picture rin pala siya sa cell phone ng kanyang ex-girlfriend. Kinunan naman nila iyon nang katuwaan lamang. Pero paano kung kumalat din iyon? Sasabihin ba niyang hindi siya iyon o gagayahin niya si Marjorie na tatakutin ang lahat ng nag-repost na idedemanda niya?

Hindi kasi nag-iingat eh. Hindi na naman mga bata, may wastong isip na supposed to be.

 

vuukle comment

ARCHBISHOP CRUZ

ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

BISHOP JOSE OLIVEROS

CATHOLIC BISHOPS CONFE

DIOCESE OF TARLAC

MARJORIE BARRETTO

MIKE TAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with