^

Pang Movies

Inday Barretto hindi pinalalampas ang mga nakikisawsaw sa kanilang problema

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Talagang may time si Mrs. Inday Barretto na sagutin ang mga nag­sanga-sangang isyu tungkol sa kanyang pamilya.

May sagot din siya sa pagpapainterbyu ni Tanya Montenegro na nagtanggol sa kanyang estranged daughter na si Gretchen.

Nasa fighting mood si Mrs. Barretto kaya hindi niya pinalalampas ang mga sinasabi ng mga tao na nakikisawsaw sa problema ng kanyang pamilya.

May mga kakilala ako na hindi na binabasa ang mga update sa away ng Barretto family dahil nagsasawa na sila. Mas marami raw importanteng bagay na dapat gawin kesa subaybayan ang walang katapusan at paulit-ulit na away ng mga Barretto.

Kadete ni Jay Ilagan unang pelikulang napanood ni Sonny

Dalawa ang ikinakampanya ni Senator Sonny Trillanes, ang kanyang kandidatura sa senado at ang Magdalo Party List.

Umaasa si Senator Trillanes na susuportahan ng mga Pinoy ang Magdalo Party List dahil marami raw silang magagandang proyekto para sa ating bayan.

Busy si Papa Sonny sa pangangampanya kaya hindi niya alam na nakatakas si Cezar Mancao sa NBI noong Huwebes.

Ako ang nagtanong kay Papa Sonny ng kanyang reaksiyon tungkol sa pagtakas ni Mancao pero hindi muna siya nagkomento dahil hindi niya alam ang nangyari.

Maaksiyon, makulay, at madrama ang life story ni Papa Sonny. Kung isa­sapelikula ang kanyang buhay, action-drama ang kategorya ng pelikula  dahil hitik ‘yon sa aksyon. May drama dahil namatay ang bagong silang na anak ni Papa Sonny habang nakakulong siya sa Fort Bonifacio.

Seryoso ang image ni Papa Sonny dahil sa training niya sa Philippine Military Academy.

Hindi sila puwedeng ngumiti o magpalinga-linga sa pa­ligid or else, may parusa na kapalit.

Ang Kadete ang unang Tagalog movie na napanood ni Papa Sonny. Ang yumaong aktor na si Jay Ilagan ang bida sa Kadete. Walang kamalay-malay si Papa Sonny na darating ang araw na magiging kadete rin siya sa tunay na buhay.

Aktor na nali-link sa isang mayamang bakla, marunong magtago

Hindi kiss-and-tell ang aktor na nali-link ngayon sa isang rich gay. Marunong magtago ng sikreto ang aktor dahil hindi niya ipinagmakaingay ang relasyon nila noon ng isang sikat na aktres.

In fairness, nameless pa ang aktres nang maging girlfriend ng aktor. Sumikat lang siya nang mabigyan ng big break sa isang TV series.

May asawa at mga anak na ang aktor pero hindi pa rin siya nagsasalita tungkol sa nakaraan nila ng kanyang sikat na ex-girlfriend.

Startalk maraming sizzling news

At dahil Sabado ngayon, ire-remind ko sa inyo na huwag kaligtaan na panoorin ang Startalk dahil sizzling showbiz news ang aming ihahatid sa inyo.

Hindi ako sure kung makakahabol sa Startalk si Papa Ricky Lo na nagpunta sa Taipei dahil may interview siya sa isang sikat na Hollywood actor.

Kung makakapag-report si Papa Ricky sa aming show, mapapanood ninyo sa Startalk ang tsikahan portion nila ng popular Hollywood actor.

 

vuukle comment

DAHIL

JAY ILAGAN

MAGDALO PARTY LIST

PAPA

PAPA SONNY

SONNY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with