Doctor na mister ni Donna Cruz kinasuhan ng tax evasion
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mister ng singer /actress na si Donna Cruz na si Dr. Potenciano Sto Domingo Larrazabal III dahil sa umano’y pagkabigo nito na magbigay ng tamang impormasyon ng kanyang kita, hindi mag file ng kanyang Value-Added Tax (VAT) returns para sa taong 2009, 2010 at 2011 na paglabag sa Sections 254 at 255 ng Tax Code.
Si Larrazabal na taga 303 Buenaventura Condo, 62 E. Osmeña St., Cebu City ay napatunayang kumita ng may P29.14 million noong 2009, 2010 at 2011 pero umaabot lamang sa P4.72 million ang idineklara nitong kita sa nasabing mga taon.
- Latest