^

Pang Movies

Hindi na alam ang utang na loob, drama actress mukhang pera!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang forever na ngang hindi na kukunin ng isang kumpanya ang serbisyo ng isang drama actress dahil nagpakita na naman ito ng kanyang hindi magandang pag-uugali.

Inimbitahan ang drama actress para sa anniversary ng naturang company. Dahil nga naging kabahagi si drama actress ng naturang kumpanya, pinadalhan siya ng imbitasyon na dumalo sa kanilang event at isa siya sa magiging special guest.

Nagulat na lang ang namamahala ng mga nag-RSVP sa imbitasyon nang makatanggap sila ng tawag mula sa personal assistant ng drama actress dahil nagtatanong ito kung meron ba itong talent fee. Tinanong din kung ilang oras ba dapat nasa naturang event ang drama actress dahil doon nito pagbabasehan ang sisingilin niyang talent fee.

Sinabi ng tagapamahala ng invitations na lahat ng celebrities na inimbitahan ay walang TF. Unang-una ay anniversary ito ng company at ikalawa ay nakakapagtaka na si drama actress pa ang naningil to think na nakinabang din siya ng matagal sa company at nagkamal siya ng maraming pera noong isa ito sa mga endorser nila.

Sinabi ng assistant ni drama actress na tatawag na lang siya ulit para malaman ang sagot ng kanyang amo. Pagkatapos ng ilang minuto ay nag-text ang assistant at sinabing hindi makakadalo ang kanyang amo dahil may mas importante itong lakad at babayaran siya roon.

Pinarating sa kataas-taasan ang ipinadalang text message ng drama actress at muli na namang sumama ang loob ng mga bossing sa drama actress.

Akala nila ay nagpakumbaba na ito at nagbago na ng kanyang hindi magandang ugali — isang dahilan kung bakit kinailangan siyang palitan ng ibang endorser.

Nabura na sa isipan ng mga may-ari ang ginawa nitong pagtataray sa kanilang staff at panlalait nito sa kanilang produkto noong sinu-shoot nila ang mga promotional material nila. Wala nga raw pakunda­ngan ang drama actress na okrayin ang kumpanya at hindi niya alam na nandun ang isa sa mga may-ari.

Balak nilang bigyan ng isa pang chance ang drama actress pero mukhang hindi pa nagbabago ito at mas nagmukha pang pera.

Kaya nakapagdesisyon na ang mga may-ari na never na nilang kukunin pa ang drama actress dahil sa kanyang hindi kaaya-ayang pag-uugali.

Kasamang babae ni Charice, may totoong dyowa

Noong magpalit ulit ng kanyang buhok si Charice, naging usap-usapan ito sa social media. Marami ang nagsasabi na unti-unti nang lumalabas ang tunay na personality nito. Sa bagong buhok kasi nito, nakakahawig na niya ang teen heartthrob na si Daniel Padilla.

Bukod sa bagong buhok, may bago rin siyang pina-tattoo sa kanyang katawan at ito ay ang words na Love Eternally.

Kelan lang ay kumalat ulit ang mga bagong litrato ni Charice. Lalaking-lalaki ang hitsura at porma at may kayakap na babae. Ilang litrato iyon pero hindi raw si Charice ang nag-post ng mga picture.

Charm Laguitao raw ang name ng girl na kasama ni Charice sa mga picture pero hinala ng nag-post ay ito ang nababalitang “love” ngayon ni Charice.

Pero may nagsabi naman na friend ng singer ang boyfriend ni Charm. Nag-pose lang sila for a few pictures dahil magkaibigan naman pala sila.

vuukle comment

ACTRESS

CHARICE

CHARM LAGUITAO

DANIEL PADILLA

DRAMA

LOVE ETERNALLY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with