Marian naging mabait na alaga, hindi naging problema ang pera sa manager
MANILA, Philippines - Inabsuwelto ni Marian Rivera ang boyfriend na si Dingdong Dantes na walang kinalaman sa desisyon niyang layasan ang manager niyang si Popoy Caritativo after seven years ng pagsasama.
Isa kasi si Dong sa pinagsabihan ni Yan Yan ng kanyang desisyon na magpalit ng manager. Nasa poder na ng Triple A Management ang aktres na isa sa kumpanyang binuo ni Mr. Tony Tuviera. Hindi man niya kinausap ng personal si Popoy matapos ang desisyong kumalas, paulit-ulit na sinasabi ng aktres ang pasasalamat niya kay Popoy.
“’Yun ang lilinawin ko. Walang influence si DingÂdong. Walang sinumang nag-influence sa decision ko. Diyos ko, ang laki-laki ko na! Ito nga ang gusto kong mundo na mag-decide para sa sarili ko. Bakit ako makikinig sa ibang tao? Desisyon ko ito at masaya ako rito at looking forward ako kay Tatay sa gagawin niya sa akin,†katuwiran ni Marian.
Bakit hindi sa management arm ni Dong siya lumipat?
“Kay Tatay ako nagsimula eh. Bumabalik lang ako,†sagot ng aktres.
Bakit sa sulat niya ipinadala ang hinaing niya at hindi sila nagharap ng personal ni Popoy?
“Hindi ko kaya. Ganito lang ako pero hindi talaga masabi ng diretso ‘yung nararamdaman ko,†rason niya.
Iniyakan ni Marian ang desisyon niyang umalis kay Popoy.
“Umiyak naman siyempre. Kahit kay Tatay (Mr. Tuviera) nang nag-uusap kami kasi hindi naman madali para sa akin eh. Momsie ko nga siya eh. SiguÂro, may mga bagay talaga na kailangan mong mag-move on! Para may magawa kang ibang bagay na mas kakaiba naman.
“Siyempre kung nasa isang mundo ka lang, ’yun lang ang magagawa mo. Mas maganda siÂguro na nagta-try ka ng ibang mundo,†dahilan pa ng aktres.
Kailan at ano ang naging turning point upang magdesisyon siyang kumalas?
“Kasama ko si mama at nag-church kami. May natanggap akong… actually, matagal ko nang napag-isipan. Pero nito ko lang nakumbinsi ang sarili ko na, ‘Ahhh, ganito na dapat ang gusto ko,’†tugon niya.
Aminado si Marian na parehas silang nasakÂtan sa pangyayari. Ikinatuwa lang niya ’yung pagkakaroon ng respeto sa desisyon ng bawat isa.
“Kaming dalawa ang nag-agree na maghiwalay!†sambit ni Marian.
Sa pag-alis niya, may accounting na mangÂyayari tungkol sa pera?
“Hindi ko issue ang pera, sa totoo lang,†deklara ni Yan Yan.
Hindi ba siya natatakot na tawagin siyang ingrata o walang utang na loob sa ginawa niya?
“Yes, inaasahan ko na itatanong ‘yan sa akin. Pasensiya na kayo pero ang salitang utang na loob sa akin ay malaking salita at hindi ko hahayaan ang sinuman na sabihin na wala akong utang na loob kay Popoy dahil for seven years na pinagsamahan namin, napakabait kong alaga sa kanya.
“Minahal ko siya nang totoo. Nagtiwala ako nang sobra. So, ’yang term na utang na loob, naniniwala ako na may utang na loob ako sa tatlong tao, maliban lang sa Diyos, pero isasama ko mama ko, papa ko, lola ko. At higit sa lahat kay Mr. T na si Mr. T ang naka-discover sa akin at siya ang nagbukas ng pintuan ko para matupad ko ang tinatawag kong destiny sa buhay ko,†deklara ni Marian.
- Latest