^

Pang Movies

Dennis nangangarap ding mapansin sa int’l filmfests

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Napabilib naman si Dennis Trillo sa mahusay na direktor na si Brillante Mendoza dahil sa kakaibang pag-atake nito sa kanilang horror film na ginawa na may pamagat na Sapi.

“Totally different experience. Talagang old school ang approach dahil kung ano ang totoong nararamdaman mo sa isang eksena ’yun ang lalabas,” paliwanag ng aktor. “Kung ano ang reality o truthfulness ng bawat sequence ay mabusising ipinakikita ni Direk Brillante,” saludong sabi niya sa Cannes International Film Festival award-winning director.

Malaking karangalan na raw sa kanya ang makatrabaho si Direk Mendoza at mas lalo malaking bonus pa kung sakaling mapansin at manalo sila sa international filmfests na hindi itinatangging hangad din ni Dennis dahil ito ang forte ni Direk Mendoza.

Ara at Cristine araw-araw nang magka-text at panay ‘luv u’

Tiyak na naka-relate si Ara Mina sa awayan ng magkakapatid na Barretto pero ang maganda lang, kahit pa umabot ng korte ang alitan nila ng kapatid niyang si Cristine Reyes, ay nagkabati na sila agad bago pa umandar ang kasong isinampa niya laban sa nakababatang kapatid.

Kahit daw malalim ang sugat na likha ng away nilang magkapatid ay nag-risk pa rin siyang patawarin si Cristine dahil sa nakita nito ang sincerity at effort nang paghingi ng sorry. Ngayon daw ay araw-araw silang nagti-text at super close sila ngayon na open silang nagsasabihan ng “luv u” sa isa’t isa.

Hindi pa man daw nanghihingi ng sorry si Cristine sa kanya ay napatawad na niya ito. Maging ang mga taong sumulsol at sinisiraan silang magkapatid.

Close na rin si Cristine kay Patrick Meneses at nagpapasalamat sa BF ng kanyang Ate Ara na hindi niya iniwan ang kanyang kapatid sa panahong magulo ang kanilang pamilya. Kaya masaya si Cristine para kay Ara dahil nakatagpo siya ng lala­king may malawak na pang-unawa at supportive sa kanyang ate kahit may matindi siyang problemang pinagdaanan noon.

Jean hindi nabakante kahit tapos na ang show ni Pacman

One season lang talaga tatakbo ang show ni Rep. Manny Pacquiao na Para sa ‘Yo ang Laban na ‘To ng GMA 7.

Sinabihan lang daw si Jean Garcia na co-host ni Pacman na standby lang dahil wala pa namang pormal na sinasabi kung kelan tatapusin ang show sa ere.

Pero hindi pa man natatapos ang hosting job ni Jean ay kasama naman agad siya sa Kakambal ni Eliana na napapanood na kaya walang dapat ipag-alala ang aktres dahil hindi siya pinababayaan ng Kapuso Network. Tuloy pa rin ang pasok ng blessings sa kanyang pangkabuhayan showcase na ikinasisiya naman ng aktres.

Hindi na rin siya kontra sa relasyon ng kanyang anak na si Jennica sa boyfriend nitong si Alwyn Uytingco na lumabas na sa ospital last Thursday sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City sa sakit ng dengue.

“Wala namang problema. Kung anuman ’yung mga decision niya ay nandito lang ako to guide her at kung saan siya masaya I’l be happy for her too,” paliwanag ni Jean na nag-segment host sa 50th anniversary ni German “Kuya Germs” Moreno sa Performing Arts Theater sa Resorts World Manila kamakailan.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ARA MINA

ATE ARA

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CRISTINE

CRISTINE REYES

DIREK BRILLANTE

DIREK MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with