Gwyneth Paltrow pinapipili na ng kanta ang mga Pinoy para sa duet nila ni Rep. Pacquiao
Kapapanood pa lang namin last Wednesday ang Iron Man 3, na leading lady ang Oscar awardee at World’s Most Beautiful Woman ng People magazine na si Gwyneth Paltrow, nang lumabas ang balitang gusto niyang maka-duet si Rep. Manny Pacquiao.
Sabi pa ng Hollywood actress, tayong mga Pinoy na ang pumili ng kantang maaari nilang i-record ni Pacman. Tiyak na after election, aasikasuhin agad ng boxing champ ang recording project.
Siguradong babangong muli ang image ni Pacman sa buong mundo kapag pinalalabas ang isang documentary ng CNN, na tampok silang dalawa ng isang Pinay, sa paglaban sa human trafficking at pang-aabuso sa mga kababaihan sa ating bansa.
Buong-pusong tumutulong ang Rep. ng Sarangani sa humanitarian project at personal pa siyang nagta-trabaho upang gawin ang trabahong ipatupad ang kapuri-puring gawain. Tune in to CNN para malaman natin ang exact date ng telecast.
Sen. Loren dire-diretso sa kusina ni Mother Lily para maghanap ng pagkain
Tila advance ang pagdiriwang ng Mother’s Day nang makaharap namin at makausap ng sabay sina Mother Lily Monterverde at Sen. Loren Legarda. Kapwa sila abala kaya’t bihirang mapagsabay sa isang okasyon.
Pahayag nga ni Mother Lily, madalas nawawalan sila ng contact sa isa’t isa ng mahabang panahon pero napapanatili nila ang pagiging close friends through the years.
Ang senadora naman at home na kina Mother Lily kapag dumadalaw siya.
“Diretso ako sa kusina at naghahagilap ng makakain,†say ni Sen. Loren.
Tatlo nga ang tinuturing na daughters ni Mother Lily at kabilang dito si Sen. Loren.
Kapwa dakilang ina, labis ang paghanga ng Matriarch of Pinoy Film Industry sa mga achievement ng senadora, bukod pa sa pagiging single mom sa kanyang mga anak na sina Lorenzo at Leandro. Say nga ng marami, both of them are women of substance kaya nagkakasundo sila.
Sa isang merienda sa Imperial Palace Hotel sa Quezon City, pinahayag ng lady producer ang full support niya sa reelection bid ni Sen. Loren. Kahit alam natin na siya ang No. 1 sa lahat ng surveys, todo pa rin ang tulong ni Mother Lily, at ang senadora naman tuloy ang pagliligid sa iba’t ibang panig ng bansa.
Binanggit ni Sen. Loren ang kanyang priorities, sa susunod na term in the Senate. Tatapusin niya at isusulong ang Universal Healthcare Bill. Nais ng senadorang malapit ang puso sa masa, na mabigyan ng sapat na proteksiyon ang kalusugan ng 25 milyong mahihirap.
Sa kanyang paglilibot ay dinadala niya ang ‘‘Loren sa barangay†upang malaman at maiintindihan ng ating mga kababayan sa malalayong lugar na may mga batas na tutulong sa kanilang magka-hanapÂbuhay o kaya’y simulan ang livelihood program.
Ngayon, magtataka pa ba tayo kung nanatili sa kanyang top position si Sen. Loren Legarda hanggang sa eleksiyon?
Ang pangako niya, hindi siya tatakbo sa higit na mataas na posisyon sa 2016. Tatapusin niya ang kanyang last term sa Senate para sa mga taong nagluklok muli sa kanya as No. 1 senator.
Dr. Vicki at Hayden mang-aagaw ng eksena
Sa Monday na ang premiere night (April 29) ng The Bride and the Lover, starring Lovi Poe, Paulo Avelino, and Jennylyn Mercado at SM Megamall Cinema 10.
All the members of the cast of the sex/drama directed by Joel Lamangan will be at the maiden screening of The Bride and the Lover.
Tiniyak ni Hayden Kho, Jr. na hindi dadalo sa premiere night ng debut film ng medic turned actor si Dr. Vicki Belo. Iba naman ang sinusulat ng ibang columnists. Handang-handa na sa pag-attend ang beauty expert.
Hindi kaya agawan nila ng eksena ang mga bida sa pelikula kapag sabay silang dumating sa sinehan?
Lea bibida uli sa New York musical
Manay Ethel Ramos, dapat kausapin ang ating mga travel agent para makapunta tayo sa New York City at mapanood ang show ni Lea Salonga sa Café Carlyle on May 21 to June 8.
Dapat hindi natin ma-miss ang third engagement ng only Filipino na international star. She will pay tribute to American singing icons from Billie Holiday to Barbra Streisand. Magpa-reserve na tayo ng ticket at hotel room para makapag-shopping kahit sandali.
- Latest