^

Pang Movies

Matapos magpaka-disente, Rocco balik sa pa-cute-cute

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Nagtapos na ang Bayan Ko original mini series ng GMA News TV pero sana naman hindi kasamang magtapos din doon ang career ni Rocco Nacino. Maganda sana kung magkakaroon pa ng ikalawang season dahil talagang kabilib-bilib ang ginawa ng buong produksiyon pero kung hindi naman ay parang mauudlot ang simula ng big break sa telebisyon ng Kapuso actor.

Wala pa naman kasing maibibigay sa kanyang malaking lead role tulad ng ginampanan niyang Mayor Joseph Santiago sa Bayan Ko. Ipapasok lang siya sa Unforgettable bilang isa sa mga aktor na aaligid sa bidang babae na si Kylie Padilla. Sayang kung ang disente at mature na image niyang ginawa sa Bayan Ko ay tuluyan na niyang iiwan at babalik lang sa pang-matinee idol na tambak na ang gumagawa sa bakuran ng Siyete.

Sa pelikula naman ay balik-indie film uli si Rocco. Pagkatapos ng Cinemalaya Independent Film Festival entry na Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ay walang narinig sa kanya. Nabinbin na kasi ang Lam-Ang na malaking solo role sana niya. Ngayon pa lang masusubok uli ang galing ni Rocco kung sakali sa isa pang Cinemalaya film, ang Burgos, kung maitatawid niya ang karakter ng maayos kahit na kay Lorna Tolentino iikot ang kuwento.

Huwag naman sanang magkaroon pa ng aberya sa Burgos dahil baka ang mangyari ay maging pang-TV na lang si Rocco.

Reese hinusgahan sa pagiging lasengga

Ang pangit ng balita kay Reese Witherspoon nitong mga nakaraang araw. Hindi naman siguro gimik lang ang pagkakahuli nila ng mister niyang si James “Jim” Toth ng pulis habang nagmamaneho ng nakainom. May ipapalabas kasi siyang pelikula, ang Mud, at nakarampa na siya agad sa red carpet para sa kanilang premiere night pagkatapos ng insidente.

Hindi yata good influence sa kanya ang dyowa niyang artist agent. Good role model pa naman si Reese na isa sa mga Hollywood actress na itinuturing na America’s sweetheart. Kaya nga nakuha siyang ambassador ng Avon. Ngayon ay nai-record na ang sinabi ng Legally Blonde star sa pulis: “Do you know my name?” Nahusgahan na siya ng buong mundo na sa pelikula lang pala siya goody-goody. 

Ang konsolasyon na lang, at least, hindi siya ang mismong nasa manibela nang mahuli. Pero pareho lang sila ni Jim na nakainom at aminado naman si Reese. Marami namang nakakagawa ng ganun kahit hindi artista pero malas lang nila dahil sila ang natiyempuhan at nakipag-argumento pa sa police officer. Naitsismis tuloy sila.

Inamin naman ni Reese na nakainom nga siya nang mangyari ang insidente.

 

vuukle comment

BAYAN KO

BURGOS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DALAWANG KALIWANG PAA

KYLIE PADILLA

LANG

LEGALLY BLONDE

LORNA TOLENTINO

NAMAN

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with