^

Pang Movies

Nadine napurnada kay Derek, napunta sa wakeboarder

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Malambot ang lips niya,” sabi ni Ritz Azul tungkol sa first kissing scene niya courtesy of Derek Ramsay, sa aksiyon serye nilang Kidlat sa TV5.

“Nahirapan po ako dahil iyon ang first kissing scene ko since nag-artista ako kaya sabi ko kay Direk Mike Tuviera, hindi ako marunong. Pero bago ang take nagkaroon pa ng technical problem kaya hindi natuloy, lalo akong ninerbiyos. Pinalakas ni Derek ang loob ko. Bukod sa first take, may angle change pa kaya nakadalawang shots pa kami,” sabi ng teen actress.

Pagdating sa love life, wala ring boyfriend si Ritz dahil bukod pala sa pag-aartista ay third term na niya ito bilang chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Brgy. Dila-Dila sa Sta. Rita, Pampanga, at tuloy ang trabaho niya.

Last two weeks na ng Kidlat pero ayaw mag-spoiler ni Ritz kung sino ba sa kanila ni Lara (Nadine Samonte) ang makakatuluyan ni Voltaire/Kidlat. Alam na niya kung sino pero bawal nilang sabihin kung ano ang ending.

May bago nang ka-MU (mutual understanding) si Nadine Samonte at mukhang totoo na ito dahil kinikilig siya nang pag-usapan sa set ng Kidlat ang guy na ayaw niyang sabihin kung sino dahil hindi naman taga-showbiz. Nakilala niya ang guy noong October sa isang wakeboarding event sa Nuvali sa Laguna at since then, dahil nahilig na siya sa sport, lagi silang magkasama lalo ngayon na sasali na siya sa isang wakeboarding competition. 

Pero totoo bang hindi man taga-showbiz ang guy, anak naman ito ng isang actress? Soon daw ay iri-reveal din niya ang identity ng guy.

What happened sa kanila ni Derek Ramsay na nang magsimula sila sa Kidlat ay akala ng lahat na sila nang dalawa talaga dahil nakikita sila laging magkasama. Kung minsan pa kahit hindi siya kasama sa taping ay dumarating siya sa set kasama ni Derek sa red Ferrari nito? They are not meant to be raw siguro talaga ni Derek but friends naman sila. Pero sa action-serye, sila ba sa ending?

 â€œKung ano po ang gusto ng production na ending wala naman akong magagawa,” safe na sagot ni Nadine.  “Marami pong nabago sa script na unexpected kaya hindi ko alam.”

 

vuukle comment

DEREK

DEREK RAMSAY

DIREK MIKE TUVIERA

KIDLAT

NADINE SAMONTE

NIYA

PERO

RITZ AZUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with