^

Pang Movies

Anne apat na milyon na ang followers sa Twitter

- Vinia Vivar - Pang-masa

Four million na pala ang followers ni Anne Curtis sa Twitter at ikinatutuwa naman ito ng aktres.

 â€œI’m just happy that these people can connect to me and I’m just lucky enough that it’s reached the four-million-mark. Sobra akong nagpapasalamat kasi when you think about it four million is a crazy amount of people and, ’yun nga, it’s a great way also kasi na meron kang instant feedback from your followers kung nakakapanood ba sila ng It’s Showtime or kapag napanood nila ’yung film there’s an instant feedback. When I have time naman I try to reply to them,” sabi ni Anne.

Kung ang ibang artista ay ayaw ng Twitter, si Anne naman ay enjoy na enjoy dito. Dito niya nasasabi ang lahat ng gusto niyang iparating sa kanyang followers at dito rin niya nai-express ang nasa isip niya.

 â€œJust random thoughts that enter my mind. Like kagabi, sinabi ko bakit kaya ganun, biglang namumula, nagiging chubby ’yung cheek? ’Yung mga random whatever lang,” she said.

Pero siyempre, hindi rin naman maiwasan na nakakatanggap din siya ng mga negative comment. Asked kung paano niya ito hinaha-handle, sagot niya, “As I always say, just learn the art of dedma. I don’t mind if it’s about me. Ang ayoko lang kasi ’pag tungkol sa family ko. Medyo pumapatol ako ng very light and charming lang lalo na when it’s medyo below the belt.”

Aware naman siya na kasama talaga ang mga ganitong negatibong komento sa Twitter or any social networking site.

 â€œYou open yourself to the public when you create a Twitter account or Instagram account so it comes with it. So, you just have to learn to block, delete, report abuse. There are so many things to avoid it kasi one of the things my dad said to me, ‘These people, ginagawa nila ’yun for five minutes of fame and it’s to you if you gonna give it to them.’ Oo nga naman. So, huwag na lang, dedma na lang. Learn the art of dedma,” ulit pa ng aktres.

Sa nangyayari sa career ni Anne ngayon, aminado naman siyang sobrang happy siya at marami pa raw siyang gustong gawin.

Say nga niya, gusto niyang mag-concert uli, sabay tawa.

 â€œThere are so many things in life that I still want to do. Outside run sa showbusiness, ’yung sarili kong business naman na alam ko and related to something that I love, maybe fashion or lipstick, basta something to do with that,” dagdag pa niya.

Katatapos lang ni Anne ng seryeng Kailangan Ko’y Ikaw at sa June, hopefully, ay sisimulan na ang bago niyang movie mula sa direksiyon ni Chris Martinez na may titulong The Gift.

Kung sinu-sino raw ang makakasama niya ay ayaw muna niyang sabihin dahil baka ma-preempt lang.

Pekeng Neil Coleta nanghihingi ng P3K, kunwari namimigay ng iPhone5!

Gustong linawin ni Neil Coleta na wala siyang Facebook account kaya kung sinuman daw ang nagbukas ng account sa nasabing social networking site under his name ay isara na lang.

Nakarating kay Neil ang balitang maraming nagagalit sa kanyang fans dahil nagpapa-contest ito sa Facebook at namimigay ng premyong iPhone5.

Nanghihingi pa ng P3,000 ang poser o fake “Neil Coleta” sa FB sa mga nanalo para sa shipping fee at kapag naipadala na ay wala namang iPhone5 na dumarating.

Ayon sa kapatid ni Neil na si Mark Coleta, napakaraming nagte-text sa kanila at hinahanapan sila ng iPhone5.

 â€œNagagalit na nga po sila. Eh wala naman kaming alam dun. iPhone 5? Bakit naman kami mamimigay ng ganun kamahal na cell phone eh hindi pa naman ganun kalaki kinikita ni Neil?” say ni Mark.

Kaya nais nilang bigyan ng babala ang mga tagahanga sa FB na huwag maniwala sa fansite ni Neil dahil peke ito at walang kinalaman dito ang young actor.

On the lighter side of things, masayang-masaya naman si Neil sa pagiging consistent top-rater ng seryeng Juan dela Cruz na ginagampanan niya ang sidekick ni Juan (Coco Martin), si Asiong.

Asiong na nga raw ang tawag sa kanya kahit saan siya magpunta ngayon at super thankful siya sa ABS-CBN dahil isinama raw siya sa napakalaking serye na ito kasama pa ang idol niyang si Coco.

Bukod dito, sobrang happy rin si Neil na nominated na naman siya bilang best supporting actor sa Golden Screen Awards ng ENPRES para sa pelikulang I Doo Bidoo Bidoo.

Matatandaang na-nominate rin si Neil sa Star Awards for Movies sa parehong kategorya at pelikula pero hindi siya pinalad manalo and instead, sa kategoryang best new male movie personality siya nanalo na labis-labis niya ring ipinagpapasalamat.

 

ANNE CURTIS

AS I

ASIONG

LANG

NAMAN

NEIL

NEIL COLETA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with