^

Pang Movies

Final na, Lovi hindi lalayasan ang GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Any day now, or baka today, magri-renew na ng contract si Lovi Poe sa GMA Network. May ilan daw lamang inaayos sa laman ng contract pero nagkasundo na raw ang GMA at ang kampo ni Lovi sa talent fee. Is it true na a few more million pesos ang nadagdag sa offer sa kanya ng TV5?

Raymart wini-wish na lumaking mababait ang mga anak tulad niya

Sa Monday, February 22, pilot tele­cast na ng bagong fami­ly show ng GMA7, ang Home Sweet Home, bago ang 24 Oras. Pinangungunahan ito ng Caharian family ni Reden (Raymart Santiago), ang wife niyang si Dulce (Roxanne Guinoo) at mga anak nilang sina Benjie (Jake Vargas), Jessie (Jillian Ward) at Ivan (Rain Quite). Masaya at nagmamahalan ang bawat isa sa kanila until pumasok si Benjie sa isang haunted house na hindi niya alam, sumunod sa kanya si Jessie. Sa paglabas nila sa bahay, mapapansin na nabago na ang character ng bawat isa. 

Ito ay mula sa direksyon ni Gil Tejada.

First time pala ni Gladys Reyes na makakatrabaho si Raymart na akala raw niya ay seryo­so pero matatawa ka kapag bumato na ng mga linya. Masaya siya na sa muli niyang pagbabalik sa GMA, ang una niyang project ay puwede niyang ipapanood sa kanyang mga anak. As a member of MTRCB, pinipili niya ang pinapanood ng mga anak niya.

Sa presscon, naging seryoso nang tanu­ngin si Raymart kung ano ang wish niya para sa kanyang mga anak na sina Sabina at Santino. Si Sabina pala ay mahilig sa sports at sumasabay daw ito sa kanya sa exercise niya, si Santino naman, mahilig kumain at magluto. Pero wish daw niyang lumaking mabait ang mga anak na tulad niya.

Naging vocal din si Raymart nang tanungin kung home sweet home ba ang tahanan niya, sagot niya, minsan may araw na sweet, may araw din na sour. No more explanations na.

Si Roxanne naman, lagi raw sweet ang home nila ng husband niya and two children, sina Raine and Anton. 

Si Gladys Reyes, siyempre ang kontrabida sa Caharian family, wish niya ay makatapos lahat ang tatlo nilang anak ni Christopher Roxas at dasal niya ay walang magkakasakit sa kanila. Ayaw daw niya na nagpapakahirap silang magtrabaho para may ipambayad lamang sa ospital.  Kaya talagang nanay na nanay siya sa mga anak.

Nagkatawanan naman nang tanungin si Jillian kung totoong crush niya si Arkin Magalona na sinagot nito na hindi totoo, pa-cute raw lamang sa show. Friend lang daw naman sila ni Jillian, sagot ni Arkin. Enjoy nga raw sila sa taping na kahit mainit ang panahon, para lamang silang naglalaro sa eksena.  May mga eksena kasing naglalaro lamang sila ng patintero at tumbang preso, sa location nila sa Plaridel, Bulacan.            

 

vuukle comment

ANAK

ARKIN MAGALONA

BENJIE

CAHARIAN

CHRISTOPHER ROXAS

NIYA

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with