^

Pang Movies

Dalawang lalaking may sabit na, nagkabuwisitan dahil sa inaahas na babae

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Buwisit ang isang male celebrity sa kakilalang male celeb din. Feeling kasi ni MC 1, inaaahas ni MC 2 ang kanyang dyowa. Eh sobrang seloso ni MC 1 lalo na’t kilala niya si MC 2 na may record din ng panunulot ng dyowa ng iba.

Kaya naman si MC 1, dumating na sa point na pinalalayas na niya ang dyowa sa trabaho. Upang hindi na magkita ang dyowa at si MC 2.

Pero huwag ka, parehong may sabit na ang dalawang lalaki, huh! Yet, nahuhumaling pa sa ibang babae, ’no?

Polo na-bad trip sa pananakit ni Benjamin!

Nilinaw ni Polo Ravales na hindi siya nag-walk out sa taping ng Unforgettable dahil sa nagalit sa sobrang pananakit na naramdaman niya habang kaeksena si Benjamin Alves. Tapos na raw ang eksena niya kaya naman umalis na siya sa set matapos kunan ang kontrobersiyal na suntukan nila ng baguhang aktor.

“Kasi ang para sa akin, ’pag nag-walk out ka, ibig sabihin hindi pa tapos ’yung eksena mo, umalis ka. Sa akin, tapos na ang eksena ko. Medyo bad trip lang ako nang mag-exit ako,” panimula ni Polo nang alamin namin ang real score sa isyu.

“Kasi meron kaming eksena ni Benj na kukuwelyuhan niya ako. Kaso medyo malakas. Siguro dahil sa intensity sa eksena. Talagang intense rin siya as an actor.

“Siguro hindi niya naiwasan o hindi niya namalayan na masakit na ‘yung ginagawa niya. That time, I was so tired already, kasi buong araw eksena ko. ’Tapos mabibigat pa ang eksena. Niri-rape ko si Kylie (Padilla).

“So, nung time na ’yon siguro nasaktan lang ako, nag-react lang ako. Nag-anuhan kami kasi masakit,” kuwento ng aktor.

Naging makatotohanan ang eksena lalo na’t nasira ang kuwintas niya at nagkaroon ng pasa.

“Alam ko namang hindi sadya. That time ’pag nasaktan ka, magri-react ka. ‘Yun po ang nangyari. Pero good thing kay Benj, he apologized right after,” pahayag pa ni Polo.

Ngayon, pinayuhan na si Benjamin nina Polo at Direk Gina Alajar na matutong kontrolin ang sarili pagadating sa madamdaming eksena.

Boy 2 at Cholo pasado sa pagpapatawa

Punong-abala si Raymond Gutierrez nung celebrity premiere night ng Coming Soon sa Greenbelt, Makati City dahil siya ang marketing consultant ng Fearless Production at Brownsugar Entertainment na producers ng movie.

Present siyempre ang friends ni Mond gaya nina Iza Calzado, Solenn Heussaff, Bianca King, magkapatid na Bubbles at Paolo Paraiso, Tessa Prieto-Valdes, Liz Uy, at iba pang celebrities na kaibigan ng producers.

Dumalo rin ang lead stars ng movie gaya nina Andi Eigenmann, Glaiza de Castro, Cholo Barretto, Carla Humphries, at Boy 2 Quizon. Absent si Dominic Rocco na hindi nakaalis sa taping ng Indio.

Laugh trip lang ang movie. Nag-stand out sina Boy 2 at Cholo sa movie kaya naman aliw na aliw sa mga eksena niya ang crowd. Binigyan ng R-16 rating ang movie at Rated B ng Cinema Evaluation Board.

                                                                       

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BENJAMIN ALVES

BIANCA KING

BROWNSUGAR ENTERTAINMENT

CARLA HUMPHRIES

CHOLO BARRETTO

EKSENA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with