Jake nagrereklamong pagod sa trabaho
Nalulunod na ba sa isang basong tubig si Jake Vargas? Mukhang lumaki na ang ulo nito dahil may himig na reklamo ang pagkakasabing wala na naman siyang pahinga ngayong balik na naman siya sa TV show — Home Sweet Home — samantalang ang tagal niyang natengga sa trabaho.
MWF ang taping nila sa Home Sweet Home at kapag Thursday ay meron pa rin siyang inaasikasong project. Friday galing pa siya ng Tagaytay ’tapos diretsong Walang Tulugan with Master Showman at Saturday naman ay may practice sila para sa Party Pilipinas for Sunday. Hirit ng young actor, pagod lang siya, sabay hawak sa batok nito.
Samantala, wala siyang nararamdamang pinagdaÂdaanang problema si Raymart Santiago na kasama niya sa Home Sweet Home. Tahimik lang daw ito sa set kapag hindi nakasalang sa kamera.
Marion Aunor nag-celebrate ng sunud-sunod na blessings
May pambato na naman ang respetadong songwriter na si Vehnee Saturno sa kanyang bagong alagang si Marion Aunor na isang singer/songwriter na kakapanalo lang sa katatapos na Himig Handog P-Pop Love Songs - third placer sa kanta nitong If You Ever Change Your Mind.
Kaya last Saturday ay nag-celebrate siya ng doble-dobleng tagumpay sa pamagitan ng isang party dahil bukod sa kanyang pagkapanalo sa songwriting contest ay kaka-graduate lang din niya ng college sa kursong communication technology management sa Ateneo de Manila University. Isinabay na rin niya sa selebrasyon ang upcoming album nito na iri-release ng Star Records. At ang isa pang dahilan ng party last Saturday na ginanap sa Amber Lounge sa Bonifacio Global City, Taguig City ay ang kanyang 21st birthday. Hindi tuloy mapigilan ng bagong singer na maiyak sa sobrang dami ng blessings na dumating sa kanya kahit nagsisimula pa lang siya sa kanyang singing career.
In fairness kay Marion, may quality ang kanyang voice na mala-Norah Jones at mala-Jason Mraz naman ang tunog at tema ng mga kinakanta. Hindi naman nakakapagtaka kung mahusay kumanta si Marion dahil anak siya ni Lala Aunor na pinsan ni Nora Aunor na parehong kilalang singers noong kanilang kapanahunan.
Ngayon pa lang ay ikinukumpara na si Marion kay Zia Quizon dahil pareho sila ng tipo ng kanta at maging ng style ng boses. May pagkahawig din siya kay Karylle. Marami rin ang umapila sa katatapos na Himig Handog contest dahil ang kanta raw niyang If You Ever Change Your Mind ang pinakabago ang tunog at mas angat ang quality kesa raw sa Nasa Iyo na ang Lahat ni Daniel Padilla at Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra.
- Latest