^

Pang Movies

BIR mga artista lang ang paboritong habulin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman sa ipinagtatanggol namin ang mga artista pero kagaya na lang minsan, nagulat ang female star na si Solenn Heussaff dahil bigla na lang siyang may natanggap na notice na idinedemanda siya for tax evasion dahil mahigit na tatlong milyong pisong buwis daw ang hindi niya binayaran.

Nagulat si Solenn dahil alam niya na nagbayad naman siya ng tamang tax. Ang nangyari kasi ay ipinaasikaso niya iyon sa isang accountant. Iyon pala may hindi tamang kuwenta kasi ganyan naman ang karaniwang nangyayari eh, ang artista ang walang nalalaman. Ipinapaayos lang nila. Iyon namang mga accountant na nag-aayos, titingnan kung paano nila mapapaliit ang tax na binabayaran dahil kung magagawa nila iyon ay mawiwili sa kanila ang kliyente at makakapaningil sila ng mas mahal.

Kung nagkakaroon naman ng ganyang problema, hindi naman ang accountant ang hahabulin kung hindi ang artista.

Nangyari rin iyon kay Judy Ann Santos. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang tax, basta may accountant na nag-aayos. Isipin ninyo kung gaano kalaki pa ang binayaran ni Juday sa abogado nang idemanda siya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang kasong wala naman siyang nalalaman.

Pero mga artista lang ba ang hahabulin talaga?

Noong isang araw, tax deadline kasi eh, napanood namin ang interview kay BIR Commissioner Kim Henares. Nang tanungin siya tungkol sa mga doctor at abogado na hindi nagbabayad ng tamang tax, ang sabi lang niya ay marami nga raw ang hindi nagpa-file ng ITR (income tax returns) at kung ang iba naman ay nagpa-file, hindi naman inilalagay ang lahat nilang kita.

Bakit wala yata tayong nababalitaang naidemanda sa kanila?

O ang mga pulitiko, nagbabayad ba ng hustong tax? Ibinabayad ba nila ng buwis ang mga komisyon nila sa mga pinagamitan ng kanilang pork barrel?

Ewan lang. Kami nga sa dinami-dami ng doctor na napuntahan na namin, isa lang ang talagang nagbibigay sa amin ng resibo every time na pupunta kami sa kanya, si Dr. Genato Gomez ng Manila Doctors. Ang iba ay magbabayad ka lang at thank you.

’Kano naaliw sa Butchiki habang ang mga Pinoy naloloko sa Gwiyomi

Nakita namin ang isang ’Kano na may naka-post sa YouTube na sumasayaw ng Harlem Shake pero ang kinakanta nila ay ang hit song ni Yoyoy Villame, ang Butchiki. Ang lyrics ng kantang ginagamit ay ang Butchiki ni Yoyoy. Ewan kung alam ba nila na ang orihinal na musika noon ay ginamit sa isang kantang Ingles na ang title ay Baby Cake.

Nakakatuwa na ang mga trabaho ng mga artis­tang Pilipino ay napapansin ng mga dayuhan, samantalang itong ating mga kababayan mismo ay na­­lo­loko sa mga Koreano. Tingnan ko lang oras na magbombahan sila. Ang mga Pilipino, ang ginagaya ay ang Gwiyomi. Hindi naman nila naiintindihan ang kanta.

Pero tingnan ninyo ang ’Kano, ang kinakanta ay Butchiki.

Young actress nakipaghiwalay sa young actor, natuklasan na bakla rin pala

Ang tsismis, kaya pala nag-split ang isang young actress at ang syota niyang young actor din na parehong nasa isang network ay dahil natuklasan ng girl na ang boyfriend niya ay girl din. Sinasabi nila, masakit iyon para sa girl dahil siya pa mismo ang nakatuklas.

Basta ang ginawa niya ay nakipag-split na lang siya at hindi na niya sinabi sa kanyang boyfriend kung ano ang natuklasan niya kaya siya nakipag-break.

BUTCHIKI

KANO

KUNG

LANG

NAMAN

NILA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with