^

Pang Movies

AiAi inutusang magsinungaling ang mga anak

- Vinia Vivar - Pang-masa

Happy kami for Ai-Ai delas Alas na kumpirmadong ikinasal na nga sa boyfriend na si Jed Salang last April 3 sa Las Vegas, Nevada. Hindi agad nila ito inamin and last Sunday lang nila ito kinumpirma exclusive sa The Buzz kasabay nang pagpapakita ng footages ng kanilang kasal.

Sa panayam ng The Buzz sa newlyweds, halatang masayang-masaya ang Comedy Concert Queen na ngayon ay Mrs. Salang na. Makikita mo rin kay Jed na talagang mahal na mahal niya ang asawa kahit pa sabihing malaki ang kanilang age gap.

Sa panayam ng The Buzz ay nag-apologize si AiAi sa paglilihim nila sa publiko at sa media ng kanilang kasal.

“Humihingi ako ng paumanhin sa lahat kasi unang-una gusto ko sana ito maging para sa amin lang, family and friends. Parang feeling ko kasi maigsi lang itong kasal na ito para i-ano ko sa buong mundo,” she said.

Hiningi rin niya ng paumanhin ang mga kaibigan niya na nagsinungaling for them pati na rin ang kanyang mga anak.

“Sorry po kung ’yung mga natanong n’yo na friends ko or mga anak ko na nagde-deny kasi po utos ko iyon. And ngayon na okay na pasensiya na po kayo na nagsinungaling ang mga bata lalo na si Sancho kasi sinasabi ko sa kanya na ‘O, anak, huwag n’yo munang sabihing kasal na ‘ko,’” say pa ni AiAi.

May pinaplano silang church wedding in December kaya babawi na lang sila.

Tungkol sa napapabalita ring buntis siya, ani AiAi ay na-delay ng 15 days ang kanyang menstruation kaya nagpa-checkup siya at negative naman ang findings. Hindi naman sila nawawalan ng pag-asa dahil may egg pa raw siya at puwede namang iproseso sa invitro fertilization.

Janelle Manahan may bagong karelasyon na

Magaling na pala completely ang muk­ha ni Janelle Manahan na mata­tandaang nabaril sa isang tragic incident na kumitil ng buhay sa kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Napanood namin si Janelle sa premiere night ng indie film na Bad Romance kasama sina Mercedes Cabral, Aiza Seguerra, Rey “PJ” Abellana, Jayson Gainza, Ogie Diaz, and newbie actor Francis Lopez.

Bagama’t maikli lang ang role ni Janelle, nakakatuwang makita na nakabalik na siya ulit sa pag-aartista.

Sa panayam ng media kay Janelle ay sinabi niyang medyo nanibago siya kasi matagal-tagal na rin siyang hindi umaarte sa harap ng camera. Pero masaya siya na nakabalik siya dahil ito naman talaga ang gusto niyang gawin ever since.

May bago na ring pag-ibig si Janelle at kasama niya sa nasabing premiere night ng movie which is a clear sign na talagang nakapag-move on na rin siya sa napakasakit na trahedyang naganap sa kanyang buhay.

Ang Bad Romance ay mula sa direksiyon ni Ian del Carmen na nagbukas sa SM Cinemas last April 10.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANG BAD ROMANCE

BAD ROMANCE

COMEDY CONCERT QUEEN

FRANCIS LOPEZ

JANELLE

JANELLE MANAHAN

JAYSON GAINZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with