^

Pang Movies

Senior actress kinati-kati nang mabighani sa katalinuhan ng kilalang government official

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Umiral daw ang kakatihan ng isang senior actress nang makilala ang isang prominenteng government official sa isang okasyon. Nabighani raw ang aktres sa katalinuhan ng opisyal kaya naman sa unang miting pa lang, nilandi-landi niya agad ito at may himig na gustong matikman, huh!

Palibhasa may pangalang iniingatan, naging civil ang opisyal sa panlalandi ng aktres lalo na nga’t maraming tao ang nakakakita sa ginagawa ng aktres. Eh, nang diretsuhin siya ng opisyal, natameme ang aktres at nagpaka-behave na lang bilang respeto sa opisyal!

May asawa’t anak na ang aktres sa ngayon pero bukod ‘yon sa unang anak sa lalaking nakabuntis sa kanya, huh!

Bela hindi sanay umiyak sa harapan ng lalaki

Madaling matuto si Bela Padilla sa stunts na ipinagagawa sa kanya sa set ng Love & Lies. Lumabas nga raw ang pagiging Padilla ng kapareha ni Richard Gutierrez na kilala sa showbiz na angkan ng mga action stars, huh!

Nagiging breather para kay Bela ang mga light scene nila ni Chard dahil lately, madalas na naman siyang paiyakin ng director na si Mark Reyes. ‘Yun nga lang, hindi siya sanay umiyak sa harapan ng mga lalaking co-stars sa GMA series kaya minsan, natatawa na lang siya sa character niya.

Sa ngayon, wala pa siyang alam kung meron sila kissing scene ni Chard sa series.

Jack Enrile aware sa mga intriga sa showbiz

Hindi man nahikayat si Congressman Jack Enrile na pasukin ang showbiz nung kabataan, aware naman siya sa nangyayari sa showbiz ngayon. Ang hinahangaan niyang artista ngayon ay si Bea Alonzo. Pero wala raw dahilan kung pagselosan ng asawa ang aktres, huh!

Dahil may roots din siyang showbiz, gustong makipagtulungan ni Rep. Jack upang malaman kung anong tulong ang maibibigay niya sa industry.

 

vuukle comment

AKTRES

BEA ALONZO

BELA PADILLA

CONGRESSMAN JACK ENRILE

DAHIL

JACK ENRILE

LUMABAS

MADALING

MARK REYES

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with