^

Pang Movies

Ara at Cristine, nagkapatawaran!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagkasundo na pala ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes. Nag-tweet ang manager nila sa Viva Artist Agency, si Veronique del Rosario-Corpus (VRC) early morning of April 1 na: “Now it can be told, happy to have witnessed two sisters reunited last Good Friday. Answered prayers.” Hoping na hindi tayo na-April Fools day ni VRC.

Anyways, natatandaan namin na matagal na naming kinukulit noon si VRC na wala ba silang move na pagkasunduin ang magkapatid matapos idemanda ni Ara ang younger sister niyang si Cristine, since pareho nilang artista ito sa Viva Artist Agency? Pero ang laging sagot noon ni VRC at kahit ni Boss Vic del Rosario, ayaw nilang makialam at bahala na sina Ara at Cristine na ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, tutal naman of age na sila pareho. Kaya sana nga ay talagang tapos na at nagkapatawaran na ang magkapatid.

Dennis tanggap ang kasamaan at pagiging kontrabida

Pinagtatalunan pa rin ng mga tagasubaybay ng Temptation of Wife kung sino ang dapat makatuluyan ni Ma­rian Rivera as Angeline sa finale ng drama series sa Friday, April 5. Ayaw pumayag ng maka-Marcel (Dennis Trillo) na si Nigel (Rafael Rosell) ang makatuluyan ni Angeline.  Ibig daw bang sabihin, kontrabida si Dennis ni Rafael?

Nakausap namin si Dennis tungkol dito, at walang problema sa kanya kung maging kontrabida man siya sa soap. Sa story conference pa raw lamang, sinabi na sa kanila ang mga characters na gagampanan nila nina Marian, Glaiza de Castro (as Heidi), at Rafael.

“Kaya alam ko na agad na mean si Marcel,” sabi ni Dennis. â€œMahal lamang niya ang sarili niya at wala siyang pagtingin sa kanyang asawa na na­buntis niya kaya napilit siyang pakasalan ito. Hindi ko man napanood nang buo ang original Koreanovela, pinag-aralan ko rin kung paano i-portray ang character ni Marcel. Kahit ang hair ko, binago nila ang style, dahil mayaman ako, kahit bum ang character ko, laging in style ang suot ko. Sabihin na bago rin ang character ko rito sa ibang may pagkakontrabida role na nagampanan ko.

“Ako naman, hindi ako namimili ng role, bida man o kontrabida, basta tinanggap ko ang role, ga­gampanan ko ito kung ano ang hinihingi ng character at ng director ko. Kaya kahit nagbago sa bandang huli at hindi matatanggap ni Angeline si Marcel sa story, may kasalanan din siya, na pinalala pa ng mga kasalanan din na nagawa nila ni Heidi kay Angeline. Kaya abangan na lamang ninyo kung ano ba talaga ang magiging parusa kina Marcel at Heidi sa mga pagkakasala nila kay Angeline at sa pamilya nito,” litanya ni Dennis.

vuukle comment

APRIL FOOLS

ARA MINA

BOSS VIC

CRISTINE

CRISTINE REYES

HEIDI

KAYA

VIVA ARTIST AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with