^

Pang Movies

Kliyente ng advertising company dismayado sa boses na pipiyuk-piyok ng piniling male celebrity

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dismayado ang isang kliyente ng isang advertising office dahil sa male celebrity na kanilang pinili para sa produkto ng isang kumpanya. Okay naman sana ang hitsura dahil artistahin talaga at base naman sa survey na ginawa nila ay marami na ang nakakakilala at sikat na sa TV ang napi­ling male celeb.

Pero naloka lang ang kliyente nang mapakinggan na ang boses ng male celebrity dahil hindi man lang ito marunong mag-modulate ng boses kaya hindi maganda lumabas ang kanyang TV commercial.

Kahit nga raw sa mga voice-over announcement ay hindi raw naiba dahil papiyuk-piyok ang boses ng male celeb. Tuloy, parang hindi boses lalaki ang dating.

Katuwiran ng advertising office ay minadali kasi nila ang naturang TV commercial dahil may hinabol silang certain na araw para i-shoot ito. Wala na raw time para maturuan pa nila ang male celebrity sa pagmo-modulate ng boses.

Pero dahil sa dissatisfied nga ang kliyente, hindi na nila kukunin ang male celebrity para sa second version ng kanilang TV advertisement. Bagay pa naman daw siya to endorse the product pero nasira dahil sa hindi kaaya-ayang boses.

May ina-eye silang dalawang male celebrities pa para mapalitan ang unang napili. Pero bago nila kunin ay itse-check muna nila ang mga boses ng dalawa at baka nagpipipiyok din tulad sa nauna nilang napiling male celebrity.

Alex babalik na lang sa Kapamilya matapos ma-frozen delight sa Kapatid

Malakas ang balitang babalik na si Alex Gonzaga sa ABS-CBN. Makikipag-meeting na nga raw ito next week kasama ang kanyang Ate Toni Gonzaga.

Ayon sa mga usap-usapan ay dismayado si Alex sa nangyayari ngayon sa kanya sa TV5. Marami na siyang projects na hindi natutuloy dahil may diumanong humaharang sa mga ito.

Ayon naman sa aming source, tila nai-insecure raw si Alex sa ibinibigay na treatment kina Jasmin Curtis-Smith, Eula Caballero, Ritz Azul, Sophie Albert, at Nadine Samonte.

Enchanted Garden pa ang huling show ng young actress at noong matapos na ay wala nang naibigay na bagong show sa kanya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-meeting sa big bosses ng Singko pero hindi raw siya napagbibigyan.

Kaya nakapagdesisyon na itong bumalik sa Dos kung saan siya unang nagsimula bilang Cathy Gonzaga.

At ano na nga ba ang nangyari sa pinirmahang kontrata ni Alex sa Viva Films? Four-picture contract for two years ang pinirmahan ng aktres.

Noong 2011 pa siya pumirma sa Viva Films pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nasisimulan na project. Sa June 2013 na mag-expire ang kanyang kontrata.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ATE TONI GONZAGA

AYON

BOSES

DAHIL

MALE

PERO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with