^

Pang Movies

Lucy, Dawn, at Charlene pare-parehong alas

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Three beautiful, talented, and popular women na nagpapatotoo sa kasabihang “in every man’s success there’s a woman,” na nagsisilbing kanyang ins­pirasyon, ay sina Lucy Torres, Dawn Zulueta, at Charlene Gonzales.

Their respective husbands, Richard Gomez (Lucy’s), Anton Lagdameo (Dawn’s), and Aga Muhlach (Charlene’s) happen to be all running, too, as public officials in the coming May elections.

Richard, as we all know, is aiming for a mayo­ralty seat in Ormoc City kung saan ay tumatakbo rin bilang representative si Lucy. Anton is running for a third term as Davao congressman. Si Aga is eyeing a seat in Congress naman for the fourth district of Camarines Sur.

It goes without saying na malaking asset sila sa kandidatura ng kani-kanilang husband. Pawang mga articulate, their sincerity and efforts are, no doubt, winning votes para sa kani-kanilang asawa.

Ang nakatutuwa rin sa tatlong ito ay they have not given up their respective career in order for them to attend to their duties as wives and parents. In the case of Lucy, as a politician pa herself.

Lucy is mother to teenage daughter, Julianna Gomez. A boy and a girl na pareho pang mga bata ang anak naman ni Dawn. Ang kambal na sina Atasha at Andres, both 11 years old, ang kay Charlene.

Pagsabog ng speedboat ni Aga iniimbestigahan

Habang sinusulat nga pala namin ang kolum na ito, nag-text sa amin ang lawyer ni Aga Muhlach na si Atty. Michelle Juan na sumabog ang speedboat ng kanyang kliyente. In a report naman we got from fellow Bicolano at tabloid entertainment editor na si Dindo Balares, naganap daw ang pagsabog sa Caramoan in Camarines Sur.

Awa raw ng Diyos, ayon kina Atty. Michelle at Dindo, ’di nakasakay si Aga nang sumabog ang speedboat.

As of this writing, according uli kay Atty. Michelle, iniimbestigahan pa ang mga pangyayari.

Pang-apat na pelikula nina John Lloyd at Sarah tinatanong na!

Kelan daw kaya muling mapapanood na magkasamang muli sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, asked ng mga nakapanood ng It Takes a Man and a Woman, when the third team up ng dalawa opened in theaters nationwide kahapon? They are keeping their fingers crossed na ’di It Takes ang maging last film together ng dalawa as announced by Sarah herself sa mga interview bago nag-showing ang kanilang pelikula.

They all agreed na bagama’t parehong maganda ang previous two films ng dalawa, My Very Special Love and You Changed My Life, It Takes a Man and a Woman is, so far, the best. To which Direk Cathy Garcia-Molina admitted herself. Seconded by Carmi Raymundo, who is with the creative team ng Star Cinema at scriptwriter ng pelikula.

Ayon kay Carmi, it took efforts bago niya ‘‘nabuo’’ ang concept ng It Takes a Man and a Woman as it has to serve the continuity ng dalawang previous films na naging simula ng magandang pag-iibigan nina Miggy at Laida. Mabuti na nga lang daw at medyo bitin ang naging ending ng You Changed My Life, bagama’t it was apparent na muling nagkaunawaan sina Miggy at Laida.

Nakaganda raw ang pagpasok ni Isabelle Daza bilang third party sa pag-iibigan nina Miggy at Laida. Nagpapasalamat sila ni Direk Cathy na muli nilang nabuo ang cast ng movie, from Dante Rivero, Rowell Santiago, pati sa mga dating barkada nina Laida na sina Matet de Leon at Joross Gamboa, among others.

In the case of John Lloyd, mami-miss niya ang role niya bilang Miggy kasi feeling niya ay kaugali niya ang karakter sa pelikula. At sabay nilang na-acquire ang maturity which he, as a person, enjoys and appreciates now.

AGA MUHLACH

ANTON LAGDAMEO

CAMARINES SUR

CARMI RAYMUNDO

CHARLENE

IT TAKES

JOHN LLOYD

LAIDA

MIGGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with