^

Pang Movies

Movie nina Miggy at Laida, 100% tax rebate!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-emote ang isang PR ng It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema at Viva Films, dahil nata­bunan daw ang promo and publicity nila sa issue ng mag-sweetheart na Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero at Kris Aquino at former husband na si James Yap. Pero sinabihan siya na hindi siya dapat mag-alaala dahil tiyak na patok sa takilya ang third team-up nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Four years ang ipinaghintay hindi lamang ng mga fans kundi nina JLC at Sarah mismo na ngayon lamang sila muli nagkasama-sama, ang buong cast ng dalawang naunang pinagtambalan nila, ang A Very Special Love at You Changed My Life na dinirek lahat ni Cathy Molina-Garcia.

At may dagdag pang suwerte ang movie dahil binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB), meaning 100% tax rebate, simula sa showing nito sa March 30, Black Saturday, in theaters nationwide. 

Pero bago ang showing ng It Takes a Man and A Woman sa mga sinehan, may special treat pa sina Miggy Montenegro (JLC) at Laida Magtalas (Sarah G) sa mga manonood, dahil ngayong Holy Thursday, mapapanood ang A Very Special Love at bukas, Good Friday, ang You Changed My Life.

Bayan ko Rocco ipapalabas ngayong Huwebes Santo

Speaking of special showing, due to insistent public demand, mapapanood ang episode 1 to 3 ng political drama na Bayan Ko ng GMA News TV, na nagtatampok kay Rocco Nacino, sa GMA 7 ngayong Holy Thursday, from 1:30 to 4:00 pm.

Bakasyon sa abroad nila ni Marian naayos na ni Dingdong

Kahapon ay nag-last taping day na ang Temptation of Wife at natanong namin si Marian Rivera kung saan sila talaga pupunta ng boyfriend na si Dingdong Dantes ngayong Holy Week.  Mag-uusap pa raw lamang sila ni Dingdong, pero gusto raw niya talagang makapagbakasyon sa abroad kahit ilang araw lamang after ng sunud-sunod na taping dahil nga magwawakas na ang kanilang drama series sa Friday, April 5.  Ngumiti na lamang si Marian nang sabihin sa kanyang tiyak na nakahanda na ang biyahe nila, naihanda na ni Dingdong.

Glaiza, sa Malaysia nagbakasyon

Nakatapos na rin ng taping si Glaiza de Castro ng Temptation of Wife at sa Malaysia na siya magpapalipas ng Holy Week dahil naimbita siya to attend the Asian International Film Festival (AIFFA) na gaganapin doon. Tamang-tama raw itong pahinga sa kanya dahil bukod sa Temptation of Wife, nakapag-taping din siya ng episode ng life story ng Visayan singer na si Susan Fuentes sa Magpakailanman at natapos na rin niya ang shooting ng indie film na Coming Soon, with Andi Eigenmann, Dominic Roco, Boy2 Quizon, Cholo Barretto, at Carla Humphries.

 

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

ANDI EIGENMANN

ASIAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BAYAN KO

BLACK SATURDAY

HOLY THURSDAY

HOLY WEEK

IT TAKES

TEMPTATION OF WIFE

YOU CHANGED MY LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with